Baka mapindeho | Bandera

Baka mapindeho

Joseph Greenfield - January 16, 2014 - 01:35 PM

Sulat mula kay Lito ng San Dionisio, Iloilo

Dear Sir Greenfield,
Nagtapat ang girlfiend ko na may nakauna na sa kanya habang ipinagdiriwang namin ang isang taon relasyon.  At sinabi pa niya sa akin kung sino ang nakauna sa kanya.
Bumagsak ang langit sa akin at nais ko nang lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa panlulumo.  Napakasakit dahil hindi pa ako nakakatikim ng babae.  Daig pa talaga niya ako.  Seryoso ako sa kanya at handa akong pakasalan siya pero sa kanyang pagtatapat ay natatakot ako na baka mapindeho lang ako.  Nanghihinayang ako dahil matamis ang aming relasyon hanggang sa pumutok ang masamang balita.
Siya ba ang mapapangasawa ko?  Magiging maligaya kaya ako sa kanya?
Umaasa,
Lito ng San Dionisio, Iloilo
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
      Isa lang ang magandang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung sino ang iyong first love at kauna-unahang naka-relasyon, tiyak ang magaganap siya na nga ang iyong makakatuluyan at makakasama habambuhay.
Cartomancy:
Six of Diamonds, Jack of Clubs, at Queen of Hearts (Illustration 1.) ang lumabas.
Ang mga baraha ang nagsasabing kahit hindi na virgin ang kasalukuyan mong girlfriend, siya na ang makakatuluyan mo at makakasama sa pagbuo ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya.

Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending