Pawis may amoy

PALAGI pong pinapawisan ang mga paa ko, ano po kayang gamot para rito? Ako po pala si Wendel, taga-Buhangin, Davao City, ….0910
Maraming dahilan ang pagpapawis ng paa. Posibleng neurologic, infection, vascular at baka naman naiinitan lang. Ugaliing maging malinis at tuyo ang mga paa. Mas maigi na magpatingin muna sa doctor bago humingi ng gamot.

Tanong ko lang po ay bakit palaging mabilis ang heartbeat ko? — Rema, 21, Bacolod City, ….2186
Hello, Rema. Magpatingin muna kung ikaw ay walang Hypherthyroidism. Magpakuha ng blood tests na sumusunod: T3, T4, TSH

Good afternoon, doc. Nais ko lang pong itanong kung may ibang gamot para sa bulos bulgaris kasi po mga tatlong buwan na prednisone ang gamot ko, natatakot ako sa side effects nito. Salamat, — Belen Villariza, 67, Talisay City, …2961
Kailangan magpa-skin biopsy ka muna sa dermatologist para malaman kung ano nga ba ang sanhi ng iyong problema.

Matagal ko na pong problema ang pagpapawis ko sa ulo, mukha at sa katawan. Ang mas nakakainis ay mabaho ang pawis ko. Ano po ba ang maipapayo n’yo sa akin na makakagamot po sa problema ko? Sana po matulungan n’yo po ako salamat po. — Rogelio, 23, Laur, Nueva Ecija, …1678
Tingnan mo muna kung wala kang problema sa thyroid gland. Magpa-test muna ng T3, T4, TSH. Pumapayat ka ba? Ugaliin na malinis palagi ang katawan.
Ang amoy sa pawis ay madalas dahil sa impeksyon at epekto ng kinakain. Ikaw ba ay laging nakabilad sa araw dahil sa iyong trabaho? O baka naman puro spicy o puro maaanghang ang pagkain na kinakain mo?

Ask ko lang po doc ang tungkol sa regla ko. Itim po ang lumalabas na dugo at parang tuyo. Natatakot po akong magpa-checkup kasi baka kung ano na po ito. — Christjoy, 23, South Cotabato
Blood clots lang ang ibig sabihin niyang mga itim-itim na iyan na parang tuyo. Ang mga iyan ay mga matagal na dugo na naipon sa loob ng matris (uterus).
Hindi dapat pangambahan dahil normal iyan na nangyayari sa unang araw ng regla. Hayaan lang muna, obserbahan sa susunod na buwan. Kapag may problema, mag-patingin sa gynecologist.

Doc Heal, matagal na itong sipon at ubo ko, mahigit isang buwan na. Nagpa-checkup na ako at binigyan ako ng antibiotic pero bakit hindi pa rin po ako gumagaling.  Pati anti-allergy binigyan din ako for two weeks, pero heto at may sipon at ubo na naman ako.  Ano po ba ang pneumonia?  hindi kaya pneumonia na ito?  — Leah V. Quezon City

Ang pneumonia o pulmonya ay isang malalang impeksyon sa baga at apektado na pati mga airsacs. Delikado ito dahil hindi ka na makakahinga lalo na kung kabilaan. Madalas nagpapakita ito sa pamamagitan ng ubo, lagnat at hirap sa paghinga. Makukumpirma ang pulmonya kapag pinakinggan ng doktor ang baga at gawan ng chest X-ray.
Marahil ang iyong sakit ngayon ay malayo pa sa pulmonya. Uminom ng maraming tubig at Vitamin C.

Read more...