Vina: Pwede bang bumili na lang ng boyfriend, para makapamili ako!?


HINDI itinanggi ni Vina Morales na hoping pa rin siyang makahanap ng makakasama niya sa buhay dahil matagal na rin naman siyang single mula nang mahiwalay sa tatay ng anak niyang si Ceana na apat na taong gulang na ngayon at kamukhang-kamukha ng bunso niyang kapatid na si Shaina Magdayao.

“Ha-hahaha! Oo nga, eh.  More on Shaina ang features, maliban sa eyes niya. Pero lahat pati ang kaartehan. Ha-hahaha!” masayang sabi ng singer-actress nang makatsikahan namin sa bagong bukas na Ystilo Salon sa Hemady Square along E. Rodriguez Avenue, Q.C..

Nagbiro pa si Vina ng, “Hindi ba nabibili na lang (boyfriend)? Para makapili?”  Pero kung wala  siyang makikita ay okay lang, “Happy na naman ako kasi may anak na ako, heto ang kulit-kulit!” say ng singer-actress.

Oo nga bossing Ervin, nuknukan ng kulit si Ceana na mukhang mag-aartista rin dahil ang arte-arte ng bagets at maganda ang PR, palangiti at bumabati kahit kanino.

At dahil maarte rin si Ceana at mahilig sa magagandang damit kaya nagtayo ng sariling kids clothing line si Vina na Kikay na mabibili online at siyempre, ang nag-iisang anak niya ang modelo.

Kaya bukod sa pag-aartista at pagkanta ni Vina ay bisi-bisihan siya sa business nilang Ystilo Salon na may 28 branches na mula Cebu, Davao, Bulacan at karamihan dito sa Metro Manila.

At ito ngang nasa Hemady Square ang pinakabago nilang franchise na pag-aari ni Khaye Santiago na kaibigan din niy. Si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang special guest sa ginanap na ribbong cutting nito noong Enero 8.

Samantala, tikom ang bibig ni Vina nang tanungin namin siya tungkol sa relasyon nina Shaina at Piolo Pascual, “Sila na lang ang tanungin mo, Reggs, ayokong magsalita kasi wala rin namang sinasabi sa akin si Shaina, ayokong pangunahan.

Kung ano siguro ang nakikita ninyo, bahala na kayo, pero as of now, wala silang inaamin. Curious nga rin ako, eh,” natatawang sagot ng aktres. As of now ang Maria Mercedes at ASAP 18 ang regular show ni Vina sa Dos.

( Photo credit to Google )

Read more...