Insentibo habol ng Rain or Shine, Petron

 Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
5:45 p.m. Rain Or Shine vs. Meralco
8 p.m. Petron vs. SanMig
Team Standings: Barangay Ginebra (10-2); Petron Blaze (9-3); Rain Or Shine   (9-3); Talk ‘N Text    (7-5); Meralco (5-7); SanMig Coffee  (5-7); Barako Bull (5-8); Globalport   (5-8); Alaska Milk  (4-9); Air21 (3-10)

PATULOY na tutugisin ng Rain Or Shine at Petron Blaze ang mahalagang insentibo sa quarterfinals ng PLDT myDSL PBA Philippine Cup sa pakikipagtunggali nila sa magkahiwalay na kalaban mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Maghaharap ang Elasto Painters at Meralco sa ganap na alas-5:45 ng hapon samantalang magtatagpo ang Boosters at SanMig Coffee sa ganap na alas-8 ng gabi.

Ang Elasto Painters at Boosters ay kapwa may 9-3 record  at tabla sa  ikala-wang puwesto  kasunod ng nangungunang Barangay Ginerba San Miguel (10-2).

Ang top two teams sa pagtatapos ng 14-game elims ay magkakamit ng twice-to-beat na bentahe sa quarterfinal round. Ang Bolts atMixers ay magkasosyo naman sa ikalimang puwesto sa kartang 5-7.

Kung makakaganti sila sa kanilang mga kalaban mamaya ay makakasiguro na sila ng pagpasok sa quarterfinals. Dinaig ng Elasto Painters ang Bolts, 94-89, sa kanilang unang laro noong Nobyembre 22.

Subalit hindi magiging madali para sa Rain or shine na makaulit lalo’t galing sa back-to-back na panalo ang Meralco kontra Air21 (98-88) at Alaska Milk (75-64).

Ang Rain or Shne ay pinangungunahan nina Gabe Norwood, Jeff Chan, Paul Lee, Ryan Arana at Beau Belga na kamakailan ay pinarangalan bilang  Accel-PBA Press Corps Player of the Week.

Makakatunggali nila sina Gary David, John Wilson, Jared Dillinger, Mike Cortez at two-time Most Valuable Player Danilo Ildefonso na kamakailan ay napapirma nila ng kontrata.

Tinambakan naman ng Petron Blaze ang San Mig Coffee, 91-78, noong Nobyembre 17. Sasandig ang Petron kina June Mar Fajardo, Arwind Santos at Alex Cabagnot.

( Photo credit to INS )

Read more...