No one can touch us – mister ni Ramona

PINAGTAWANAN lamang ng asawang Turkish ni Ramona Bautista ang akusasyong kasabwat ang huli sa pagpatay sa kapatid nitong si Ramgen Revilla.

Lumabas sa dalawang diyaryo sa Turkey ang mga pahayag ni Engin Tuna Bulbuloglu noong Martes (araw sa Turkey).

Aniya, naniniwala siya na kasinungalingan lamang ang pagdawit sa kanyang asawa sa pagpatay kay Ramgen.
Sa kanyang interview sa Hurriyet Daily News, sinabi ni Bulbuloglu na pumuslit ng Pilipinas ang kanyang asawa makaraang idawit ito.

Sinabi naman niya sa Daily Vatan na walang mangyayari sa asunto dahil walang kasalanan si Ramona

Hirit pa niya: “Everything is merely made up of allegations. No one can touch us.”

Matataandaang umalis ng bansa si Bautista noong Biyernes at lumipad pa-Hong Kong. Mula roon ay nagtungo ito sa Turkey kung saan isa umano siyang residente.

Pero bago siya umalis ay naglabas siya ng video kung saan itinanggi niya na kabilang siya sa pumatay sa kanyang kapatid. Doon ay isiniwalat niya na nagsinungaling siya sa pulisya na dinukot siya ng mga suspek.

Agad namang nag-react ang half-brother niyang si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na nagsabing “sign of guilt” ang pagpuslit ni Ramona.

Ayon sa ulat, tatlong taon nang kasal si Ramona kay Bulbuloglu.

Read more...