Binay umangat sa survey


IKINATUWA ni Vice President Jejomar Binay kahapon ang pinakabagong resulta ng survey na ginawa ng Pulse Asia kung saan umakyat ang kanyang approval at trust rating.

Ang survey na ginawa sa 1,200 respondent mula sa Disyembre 8 hanggang 15 noong nakaraang taon, umakyat ng tatlong percentage point sa kanyang approval  rating na umabot sa 80 porysento nitong nakaraang buwan mula sa dating 77 noong Setyembre.

“I am grateful for the people’s sustained trust and appreciation for our work for the past three years,” ayon kay Binay bilang reaksyon sa pagtaas ng kanyang rating.

Anya pa, dagdag-inspirasyon ito sa kanya para lalo pang pagbutihin ang pagbibigay serbisyo sa mamamayan. Ginawa ang survey ilang araw bago pa mapaulat ang Dasmariñas incident kung saan ang kanyang mga anak na sina Makati Mayor Junjun at Senador Nancy ay naipit sa kontrobersya nang “ipaaresto” umano nila ang mga gwardiya ng village na tumangging magpadaan sa kanila sa gate.

Drilon lalo pang bumaba
Samantala, bumaba pa lalo ang approval rating ni Senate President Franklin Drilon, mula sa dating 50 porysento noong Setyembre sa 43 porsyento nitong nakaraang buwan.

Tanggap naman anya niya ang pagbaba ng kanyang rating dahil sa mga kontrobersiyang kinaharap ng Kongreso noong nakaraang taon.

“The controversies that hounded Congress last year cost us the trust and approval of our people,” ayon kay Drilon. Bumaba rin ang kanyang trust rating sa 40 porysento mula sa dating 46.

“We take the result of the latest Pulse Asia survey as a challenge to improve our performance,” dagdag pa nito.

Read more...