SINABI ni Congressman Lito Atienza ng Buhay partylist na ang 100-million population na aabutin ng bansa sa taong ito ay hindi magiging pabigat at bagkus ay blessing pa daw.
Kaibigan ko si Atienza, pero hindi ako sumasang-ayon sa kanya.
Sus, Lito, paano naman blessing ang napakalaking populasyon sa isang napakaliit na lugar na gaya ng Pilipinas?
Does Congressman Atienza know that Iran, which is six times larger than the Philippines, has a population of only 17 million?
Saan mo ilalagay ang mga Pinoy sa kapiranggot na bansa kapag dumami pa tayo nang dumami?
Bukod sa mag-aagawan ang mga Pinoy sa maliit na espasyo, mag-aagawan din tayo ng mga resources at pagkain.
Sinabi ni Atienza na binasbasan ang ating bansa ng maraming likas na kayamanan.
Tama siya, pero mauubos at mauubos ang likas na kayamanan dahil sa dami ng tao at kawalan ng disiplina ng Pinoy sa pagpapahalaga ng likas na kayamanan.
Kapag mas lalong dumarami ang Pinoy, mas mahirap nang madisiplina ang mga ito.
Pagmasdan na lang natin ang mga iskwater sa iba’t ibang panig ng Kamaynilaan. Dahil sa dami nila, hindi na malaman ng gobyerno kung saan sila ilalagay.
Dinudumihan nila ang mga daluyan ng tubig, gaya ng estero at ilog. Sila ang sanhi ng pagbara ng mga canal at estero dahil ginawa nila ang mga ito na tapunan ng kanilang mga basura.
Kahit na sa kataas-taasan ng bundok ng Pilipinas ay may tao na at kinakalbo ang kagubatan.
Paano naging blessing ang maraming Pinoy na walang disiplina?
Kapag dumami pa tayo ay mas dadami at lalala ang krimen dahil sa siksikan ng tao.
qqq
Huwag sana tayong maniwala sa mga pari’t obispo na nagsasabi na kasalanan ang family planning.
Kasalanan daw ang paggamit ng condom at birth control pills ng mag-asawa, ayon sa Simbahang Katolika.
Abortion daw ang paggamit ng mga condom at birth control pills dahil di pinipigil ang pagbuo ng sanggol sa sinapupunan.
Paano naging abortion ang paggamit ng condom at birth control pills samantalang pinipigil nga ang pagbuo ng bata?
Ang abortion ay pagtanggal ng sanggol sa sinapupunan sa pamamagitan ng mga paraang illegal gaya ng pagdukot ng nabuo nang sanggol o pag-inom ng pills na pampalaglag.
Paano naging abortion ang paggamit ng condom at birth control pills samantalang pinipigil nga ang paghalo ng sperm at egg cells upang huwag maging sanggol?
Matapos ang seryosong usapin, joke naman.
Nag-usap-usap ang mga sperms na dapat ay huwag silang pigilin na makipagkita sa kanilang mga kasintahan at asawa na egg cells na nasa isang lungga.
“Hindi tama ang ginagawa ng amo natin na ilabas lang tayo sa pusod ng kagubatan,” sabi ng lider ng mga sperms.
“Paano natin makikita ang ating mga girlfriends at asawa sa kabila?” dagdag pa ng lider.
Nang naramdaman ng mga sperms na kumonekta na naman ang bahay nila sa lungga, nagpasya sila na lumabas agad kahit na hindi sa takdang oras.
“Sugod, mga kapatid!” sigaw ng lider ng mga sperms. “Kailangan nating makita ang ating mga partners sa kabila.”
Ayun, sumugod na nga ang mga mokong!
Pero, sumigaw uli ang lider: “Teka, teka, atras tayo, mga kapatid!”
“Bakit, bakit?” tanong ng mga alipores.
“Dumi ng tao ang nasa kabila,” ayon sa lider.