HOROSCOPE, January 14, 2014

 Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2014 maging maingat lalo na sa pagpapautang. Sa pag-ibig, ingatan ang pakikipag-relasyon sa kasuyong Taurus upang hindi na magdanas pa ng kalungkutan. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Aum-Venit.” Magenta at yellow ang buenas.       
Aries – (Marso 21-April 19)   Sa taon ito, hindi dapat puro trabaho, tama ang pagre-relaks sa isang lugar na malapit sa nature.  Ngayon palang iplano na ang summer vacation. Okey lang gumastos kung ang lalakas naman ng husto ang  energy upang lalo pang sumipag sa trabaho. Mapalad ang 5, 8, 23, 29, 30 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yamuna-Om.” Blue at magenta ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) —Mas gaganda ang kapalaran kung palagi kang nakangiti. Haluan ng saya ang pakikipagtransaksyon upang kumita ng mas maraming pera. Sa pag-ibig, imbis na ang kasuo ang laging nagpapatawa, ikaw naman ang kumiliti sa kanya. Mapalad ang 4, 15, 22, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Vinda-Rama.” Red at orange ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Umiwas sa lipunan, sa halip mas mainam pang mag-concentrate na lang sa mga bagay na pagkakaperaha at sa kapakinabangan ng pamilya. Sa pag-ibig, mas magiging maligaya ang bawat araw kung papahalagahan ang private life. Mapalad ang 4, 17, 28, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yasoda-Dosya-Om.” Green at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)  —Pagpapalain ka ng tadhana kung hindi ka tatamad-tamad. Tandaang ang kasipag ang magpapayaman sayo. Sa pag-ibig, impluwensyahan din ang kasuyo na magpakasipag lalo na trabaho at romansa. Mapalad ang 1, 7, 19, 27, 35, at 48  Om-Beejaa-Om-Avayara.” Silver at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa pag-ibig, aanhin ang limpak-limpak na salapi kung kamumuhian ka naman ng iyong mga kamag-anak. Sa taong ito dapat karing maging mapagbigay! Mapalad ang 1, 13, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Hindi ka mauubusan ng pera, pero hindi yon ang mahalaga, ang mas mahalaga simulan mo na ang pagpapayaman ngayon! Ang mga taong may birth date na 5, 14, at23 ang makakatulong upang mas mabilis kang yumaman. Mapalad ang 1, 13, 19, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra:  “Gayatri-Savitra-Om.” Green  at golden yellow ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—  Sa taon ito, dapat maging body conscious ka upang wag tumaba ng husto. Dagdag na ehersisyo ang dapat! Sa pag-ibig yayain din ang kasuyo sa paglalakad tuwing umaga, habang sweet kayong nagkukuwentuhan. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42, at 49. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Shati-Pad-Me-Om.” Pink at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) —May mga illicit affairs  na nagbabanta. Iwasang makipag-landian! Sa pag-ibig manatiling tapat sa kasuyong Cancer. Sa panansiyal, gamitin ang salapi sa mga bagay na pagkakakitaan. Mapalad ang 6, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Pink at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Ngayon palang pag handaan ang paparating na Valentine. Mag-ipon ng pera pang-date sa kasuyo sa isang romantic na dinner. Isipin mong kaya ka nagta-trabaho para lumigaya, kaya wag tipirin ang sarili. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: Om-Brahma-Aum-Namah.” Blue at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Ingatan ang kalusugan, habang lumalamig ang panahon, may babala ng karamdaman. Upang magpatuloy ang kasiglahan, panatiliin ang puso na laging in love. Katugma mo ang isang Virgo. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 31 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Blakc at yellow ang buenas
Aquarius – (January 20 – February 18)—Simple lang para yumaman, buwan-buwan kahit na P1,000 lang matutong magipon. Sa bandang huli makikita mo kusa ding lalago ang nasabing savings. Sa pag-ibig hinihintay ka na ng isang Gemini. Mapalad ang 2, 7, 11, 20, 29, at 47. Mahiwaga mong mantra:  “Vajur-Veda-Om.” Green at maroon ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) —Sa taon ito, pag-ukulan ng pansin ang mga bagay na may kaugnayan sa salapi. Alalahaning ang pagyaman ay nakukuha sa walang tigil na pag-iisip kung paano kikita ng malaking halaga.  Sa pag-ibig, kahit kayo nagmamahalan, malungkot parin kung lagi kayong kapos sa pera. Mapalad ang 8, 15, 26, 29, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Abrahma-Me-Om.” Mint green at yellow ang buenas.

Read more...