Martin umamin na, type na type noon si Regine


INAMIN ni Regine Velasquez na crush na crush niya noon si Martin Nievera. Hindi pa raw siya professional singer ay sobrang hinahangaan na niya ang Concert King kaya nga noong makita raw niya ito sa personal ay talagang na-starstruck siya.

Kahapon sa presscon ng Valentine concert nila ni Martin, ang “Voices Of Love” on Feb. 14 sa SM MOA Arena, na ginanap sa Luxent Hotel sa Q.C. sinabi ng Asia’s  Songbird na isa si Martin sa mga kaibigan niya sa showbiz industry na hindi nagbago ang ugali mula noon hanggang ngayon.

Natanong kasi sina Regine at Martin kung hindi ba sila na-develop sa isa’t isa noong kasagsagan ng kanilang career bilang concert artists.

Ayon kay Martin, “Actually, type na type ko si Regine before, (biglang bumaling sa Songbird)…you didn’t know that? It’s okay. Ha-hahaha! No, honestly, as I always say, she’s like a sister to me.

Magkaibigan kami and until now, ganu’n pa rin ang pagtitinginan namin. Kaya nga, when we sing, parang there’s something going on between us.”

Biro pa ni Martin, “And besides, paano kami made-develop, e, tsismosa ‘yan, e. Kapag nagkakasama kami noon, laging tungkol sa break up namin ni Pops (Fernandez) ang tinatanong niya, yun lang ang lagi naming pinmag-uusapan, so, hindi nag-evolve ‘yung sa amin.

Tsaka may height requirement si Regine, e, at hindi ako pumasa doon. Ha-hahaha!” Pag-amin naman ni Regine, “Dati actually, nu’ng bata pa ako, crush na crush ko si Martin, but nu’ng nagkakilala na kami…kasi parang mentor ko siya, e.

“He was the first guy who called me Regine, siya ang nagbinyag sa akin as Regine, tapos he’s such a big star talaga, but then, he agreed to sing with me, kahit na nagsisimula pa lang ako.

Kaya, wow, idol! Kaya siguro walang ganap. Kasi ‘yung respeto namin sa isa’t isa, di ba?” sey pa ng Songbird. Samantala, speaking of their Valentine concert “Voices Of Love”, sinabi ni Martin na parang Pacquiao-Mayweather fight daw ang mapapanood ng kanilang mga supporters, “Yes, think of it as a Manny Pacquiao-Floyd Mayweather bout, I’m Pacman and she’s Mayweater! Ha-hahaha! Ganu’n ang level ng kantahan!”

Hirit naman ni Regine, “It’s always an amazing experience singing with Martin in one stage, kasi magaling talaga siya, e. That’s why I’m so excited with this concert dahil dito, singing talaga! There will be a lot of singing.

We just both want to sing.  “You know, simula kasi nu’ng mabuntis ako at manganak, talagang naging uhaw ako sa pagkanta. Dati kasi, parang walang time para mag-concert, sunud-sunod kasi ‘yung sa TV, sa movies, as a host, so nito lang uli ako nakakapag-concentrate uli sa pagkanta.

So, I’m so excited singing again with the Martin Nievera!” Pahayag pa ni Regine, tiyak daw na mag-eenjoy ang mga manonood sa kanilang Valentine concert dahil halos lahat ng magagandang kanta na naging bahagi na ng buhay ng mga Pinoy ay maririnig nila.

Sa katunayan, habang papalapit nang papalapit ang show, humahaba rin nang humahaba ang listahan ng kanilang mga kanta.
“Voices Of Love” is produced by Starmedia Entertainment and for ticket inquiries, call lang kayo sa Starmedia (854-3300) o sa SM Ticket outlets.

Sina Raul Mitra at Louie Ocampo ang magiging musical director ng show.

( Photo credit to Google )

Read more...