May nag-text kasi sa isang malapit kay Rayver at sinabing tila nagpatutsada raw itong si Sarah sa latest interview nito sa isang talk show.
May sinabi raw ang TV host-actress-singer na parang pinatatamaan ang kanyang ex-boyfriend.
Ang sabi ng nag-text, parang bitter pa rin daw ang dating ni Sarah when she mentioned “faithful’ and “no other woman” nang tanungin siya kung ano ba ang mga qualities na hinahanap niya sa isang lalaki.
Hindi namin napanood ang interview ni Sarah but if it was true that she menitoned the words faithful and no other woman, she was obviously taking a swipe, sweetly pa at that, to Rayver.
It could have been nicer of her kung hindi na niya binanggit ang no other woman kasi nagkaroon ng ibang context. By saying it, again, kung sinabi niya nga talaga, she betrayed herself and indirectly attributed it to Cristine Reyes.
Ewan kung napanood ni Cristine ang latest interview ni Sarah.
Parang hindi pa nakakarating sa kanya ang sinasabing patutsada ni Sarah kaya naman siguro hindi rin namin nabasang nagparinig siya sa kanyang Facebook at Twitter account.
Nagkabati na sina Sarah at Cristine. Mismong si Sarah pa nga ang gumawa ng paraan para muli silang magkabati ng bagong dyowa ng kanyang ex. Ang tanong, magkaimbiyernahan kaya sila dahil dito? That remains to be seen.