Bagong Azkals coach itatalaga

HINDI maaantala ang paghahanda ng Azkals para sa 2014 AFC Challenge Cup sa Maldives sa Mayo dahil sa estado ni German coach Hans Michael Weiss.

Sa Enero 15 pa inaasahang opisyal na maghahayag ang Philippine Football Federation (PFF) ng kanilang desisyon sa pananatili ni Weiss sa koponan pero ang team manager na si Dan Palami ay kumilos na para mapaghandaan ang sitwasyon.

Sa panayam kay Palami sa paglulunsad ng TOTAL Football kahapon sa Music Hall sa Mall of Asia sa Pasay City, kanyang binanggit na may anim na pangalan ng mga dekalibreng coaches ang hawak na niya at dito magmumula ang papalit kay Weiss.

“PFF will make an official announcement on the 15th (January) but as manager, whatever the announcement is, I’ve prepared for any eventuality and have asked for CDs from different sources so we can immediately find a replacement,” wika ni Palami.

Hindi niya pinangalanan ang mga pinagpipilian pero isa rito ay nakabase sa United Kingdom, isa ay nakabase sa Hong Kong, isa ay nasa United States, isa ay nasa Germany at isa ay mula sa Montenegro.

Read more...