Sulat mula Levin ng Barangay Baras, Tacurong City
Problema:
1. Nakapagtapos din naman ako ng kurso sa kolehiyo, kahit hindi naman ito kataasan. Nag-resign ako sa call center kasi hindi ko kaya ang pagpupuyat. Nag-apply ako sa isang private company sa Davao City. Matatanggap kaya ako? Bukod doon, nag-apply din ako sa iba pang kompanya. Saan kaya ako matatangap at kailan? Itatanong ko rin kung makapaga-abroad ako?
2. Malapit na akong maging 25-anyos at ayaw ko pang mag-boyfriend. Ang sabi ng nanay ko, nag-aalala siya baka raw ako tumandang dalaga, kasi may lahi kaming tumatanda ng solo sa buhay. Itatanong ko na rin po kung magkaka-boyfriend ako at makapag-aasawa at kung kailan?
Umaasa,
Levin ng Barangay Baras, Tacurong City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mo
Numerology:
Ang ibig sabihin ng birthday mo ay yayaman ka, sa tatlong bagay na posibleng mangyari sa iyong kapalaran: Una, yayaman ka sa walang tigil na paga-abroad. Pangalawa, yayaman ka sa walang humpay na negosyo. At pangatlo, makapag-aasawa ka ng mayaman at magiging mayaman ka na rin balang araw.
Luscher Color Test:
Mapalad ka naman sa kulay apple green, gray, blue at silver. Habang magsisilbing lucky charm mo ang batong sapphire na ipapalamuti sa silver na singsing.
Huling payo at paalala:
Levin ayon sa iyong kapalaran tiyak ang magaganap sa taon ding ito, isa-isa ng darating sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Magkakaroon ka ng stable job o magandang trabaho na related sa course mo at higit sa lahat sa taon ding ito, magkaka-boyfriend ka na at habambuhay na liligaya hatid ng lalaking mayaman na nagtataglay ng zodiac sign na Libra.
Lahing oldmaid (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...