Sa wakas, Billy umamin na sa tunay na relasyon nila ni Coleen

May maniniwala pa ba kay Billy Crawford sa pag-amin niyang nililigawan niya si Coleen Garcia?  Ito ang pasabog ni Billy sa Buzz ng Bayan kahapon, as if napakalaking istorya pa rin nito  sa madlang pipol, e, alam na naman na matagal na silang nagdi-date ni Coleen.

Kaya nga iniwan ni Nikki Gil si Billy dahil naamoy na niya na may nangyayari na sa dalawa, tapos sasabihin ng TV host-actor-singer na ngayon palang siya nanliligaw?

Ito na ba ang uso ngayon, date-date muna bago magligawan? Isa kami sa nagsulat tungkol sa relasyon nina Billy at Coleen dahil marami kaming sources at sa katunayan ay inaway-away pa ng dalaga ang isa sa nagkuwento sa amin dahil nga detalyado ang pagkakasulat namin.

At minsang nagkita kami ni Coleen sa isang birthday party sa Resorts World ay nahihiya siyang lumapit sa amin dahil nga alam niyang buwisit kami sa kanya sa pagde-deny niya, pero pinalampas na namin dahil bumati at nakipagkamay pa.

Anyway, magkasama raw sa Amerika noong last week ng December sina Billy at Coleen na ang tsika nila ay nagkita lang dahil pareho silang naroon. At pagdating dito sa Pilipinas ay hindi na raw pinapansin ni Billy si Coleen.

Kasi nagagalit daw si Coleen kay Billy dahil hindi siya kayang panindigan at kesyo ano ba talaga ang tunay nilang relasyon. Susme, big deal pa ba ito? Kumbaga, wala nang bago.

( Photo credit to Google )

Read more...