Lahing oldmaid | Bandera

Lahing oldmaid

Joseph Greenfield - January 12, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Levin ng Barangay Baras, Tacurong City
Dear Sir Greenfield,
Nakapagtapos din naman ako ng kurso sa kolehiyo, kahit hindi naman ito kataasan.  Nag-resign ako sa call center kasi hindi ko kaya ang pagpupuyat. Nag-apply ako sa isang private company sa Davao City.  Matatanggap kaya ako? Bukod doon, nag-apply din ako sa iba pang kompanya.  Saan kaya ako matatangap at kailan? Itatanong ko rin kung makapaga-abroad ako? Malapit na akong maging 25-anyos at ayaw ko pang mag-boyfriend. Ang sabi ng nanay ko, nag-aalala siya baka raw ako tumandang dalaga, kasi may lahi kaming tumatanda ng solo sa buhay.  Itatanong ko na rin po kung magkaka-boyfriend ako at makapag-aasawa at kung kailan?
Umaasa,
Levin ng Barangay Baras, Tacurong City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Meron ka namang malinaw na Marriage Line (arrow 1.) at magandang Heart Line (arrow 2-2 2) sa palad. Ibig sabihin siguradong magkaka-boyfriend ka hanggang sa tuluyang makapag-aasawa ka. Samantala ang magandang Heart Line naman ang nagsasabing kapag nakapag-asawa ka na ang itatayo ninyong pamilya ay sigurado ring magiging maligaya.
Cartomancy:
Five of Clubs, Ace of Clubs, at Eight of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing bukod sa pag-aasawa, sa kasalukuyan mong career, uunlad at makapaglalakbay ka.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending