Ang issue ng morality ang ibinabato kay Nora Aunor kaya raw hindi siya karapat-dapat maging isang National Artist.
Gunggong lang ang nagre-raise ng isyung ganito.
For one, walang perfect na artista, lahat sila halos ay may bahid-dungis. Masyadong personal ang mga banat nila kay Ate Guy at talagang ibinabalik ang mga kamalian niya sa buhay.
Not realizing that all celebrities are far from perfect, hindi ba naisip ng mga detractors ni Ate Guy na kahit naman sinong artista ay merong flaws.
Ang pinag-uusapan dito ay ang galing ng isang artista sa kanyang sining, ang husay niya sa kanyang performance bilang isang alagad ng sining hindi para maging santo!
Do you think meron pang mano-nominate kung kasama sa magiging basehan ay morality? Helllllooooo! Bakit, sino bang artista ang sakdal-linis at walang isa mang bahid ng dungis?
Sa mga detractors ni Ate Guy, magsitigil kayo. Mamatay kayo sa inggit dahil ang manok ninyo ang wala naman talagang karapatan na ma-nominate man lang bilang National Artist.
( Photo credit to Google )