Babala kay Raymart: Huwag patawarin si Claudine, wag iurong ang mga kaso!


Maraming nagbigay ng bayolenteng reaksiyon sa social media tungkol sa bagong pakama ng kampo ni Claudine Barretto. Usap-usapan kasi ngayon ang sinabi ng abogado ng aktres na handa na raw makipag-ayos ang kanyang kliyente sa dati nitong asawang si Raymart Santiago.

Base sa nabasa naming ulat, alang-alang daw sa pagpasok ng Bagong Taon, bukas na raw ang pintuan ni Claudine para sa pagbabati nila ni Raymart, at sa posibleng ‘amicable settlement” para sa kanilang mga kasong isinampa nila laban sa isa’t isa.

Pero mukhang kontra rito ang mga kakampi ni Raymart, sana raw ay huwag na huwag magpapauto ang aktor kay Claudine dahil baka pagsisihan lang niya sa huli.

Dapat daw ituloy ni Raymart ang paglaban sa korte para magkaalaman na. Baka raw kasi strategy lang ito ni Claudine dahil nararamdaman niya na dehado siya sa laban.

Pero para naman sa mga fans ni Claudine, magandang senyales ito para sa pag-aayos ng mag-asawa dahil ang makikinabang naman nito ay hindi lang sila, kundi pati na rin ang kanilang mga anak na siyang tunay na mga biktima sa sitwasyong ito.

Pero ang tanong nga lang, si Raymart kaya ay willing din sa isang settlement?

( Photo credit to Google )

Read more...