HOROSCOPE, January 12, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, January 12, 2014

Madam Sophia - January 12, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa taong ito ng 2014 upang yumaman hindi dapat pairalin ang awa. Sa pinansiyal, kailangang maging materyoso. Sa pag-ibig, hindi dapat manaig ang puso, isip at utak ang paganahin. Mapalad ang 4, 22, 28, 36, 42 at 49.  Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Green at lilac ang buenas.    
Aries – (Marso 21-April 19)   –          May darating na namang malaking halaga ng salapi. Sa panahong sagana wag kakalimutan magtipid. Sa pag-ibig, ipagpasalamat sa kasuyong Sagittarius ang nadaramang ligaya sa ngayon. Mapalad ang 9, 15, 22, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Red at pink  ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)     –           Panahon na upang mangarap na magkaroon ng sariling house and lot sa isang exclusive subdivision. Sa pag-ibig, sa pagtutulungan nyo ng iyong kasuyong Virgo, walang hindi matutupad sa inyong mga inaambisyon. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 36 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla-Om.” Magenta at beige ang buenas.
 Gemini – (May 21-June 21) –           Sa taong ito ng 2014 mag-concentrate sa iisang iniisip lamang na may kaugnayan sa pagpapalago ng kabuhayan. Sa pag-ibig, hindi totoong masaya at masarap ang marami. Panatiliin ang pagiging tapat sa kasuyong dati ng minahal. Mapalad ang 5, 23, 32, 41, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bis-Bnevit-Om.” White at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)   –           Panahon na upang palakasin ang sariling potential. Sa pinansyal, piliting magpakayaman, kayang-kaya mong gawin ‘yan. Sa pag-ibig kung nabigo nuong mga nakaraan panahon, muli kang bumangon ngayon! Mapalad ang 4, 17, 28, 33, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Dheva-Om.” Gold at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) –            Sa taong ito g 2014 kailangan mong umaksyon para yumaman. Negosyong may kaugnayan sa pagkain ang dapat. Sa pag-ibig, hindi dapat na pa-text-text lang, kailangan mong makipagkita sa kanya ng personal. Mapalad ang 2, 7, 19, 29, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haram-Om.” Orange at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) –           Sa taong ito ng 2014 bago makialam sa iba, pagbutihin muna ang sariling buhay. Sa pinansiyal, mag-concentrate sa pagiipon ng pera para sa future ng pamilya. Sa pag-ibig, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyo. Mapalad ang 3, 18, 30, 36, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bis-Bnevit-Om.” Green at beige  ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) –         Sa taong ito ng 2014 wag mabuhay sa luho subalit tadtad naman ng utang. Panahon na upang ibahagi sa minamahal ang mabibigat na problema upang ito ay malutas. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Om.” Blue at apple green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)    –         Sa taong ito ng 2014 kahit na mahilig komontra ang kapareha, hindi mo siya dapat pakunggan. Sa pinansiyal, sa sarili mong diskarte at paraan mas madali kang yayamn. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Red at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) –            Upang mapuno ng mga pagpapala ang 2014 laging magdasal bago bumangon. Sa gabi aty  ganon din, bago matulog magdasal muna. Sa taimtim na pagdarasal mas madali mong makakamit ang pagyaman at wagas na  kaligayahan. Mapalad ang 2, 19, 29, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra:  “Abra-Ca-Dabra.” Violet at pink ang buenas.
 Capricorn – (December 22 – January 19)          – Sa taong ito kung magiging payapa ang isipan mas madaling yayaman. Mas magaang ang pasok ng pera  kung magme-meditate. Sa pag-ibig, sa unang oras sa umaga, ayain ang kasuyo sa simpleng pagyo-yoga – ipikit ang mata habang naka-lotus seat. Mapalad ang 7, 9, 25, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Namo-Om-Name.” Purple at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)           – Sa taong ito ng 2014 iwasan ang isang hangal na relasyon na nagtatangkang dumating. Sa pinansyal, kung pabago-bago ng ka-relasyon paano ka yayaman? Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Libra. Mapalad ang 2, 17, 26, 34, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Aum-Raga.” Red  at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)   –            Walang mangyayari sa buhay kung maghihintay lang ng suwerte. Isagawa ang mga bagay na nuon pa na iisip upang yumaman. Sa pag-ibig, ngayong nalalapit ang araw ng mga puso, simpleng selebrasyon na lang ang dapat kasama ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Omne-Venit.” Beige at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending