Problema sa SSS contribution

SALAMAT po sa Diyos dahil sa pagbabasa ko ng Bandera.Inquirer.Net sa internet ay nasumpungan ko kayo. May gusto po akong isangguni sa inyo tungkol po sa problema ko sa SSS pension ko.

Ako po si Elias Z. Ibasco (Ely po ang palayaw ko), may asawa, 60 years old at permanenteng naninirahan dito sa amin sa Bicol Region (Daet, Camarines Norte).

Last July 20, 2013 ay exactong 60 years old po ako. Ilang araw ang nakalipas ay nagpa-register ako sa Senior Citizens Council dito sa amin at nag-file po ako ng aking SSS Pension sa SSS-Daet Satellite Office last July 24, 2013.

Binalik po ang lahat na documents na dala ko na kailangan na mga requirements sa pag-file ng SSS Pension dahil daw po may problema ang SSS contributions. Qualified naman po ako na magkaroon na ng SSS Pension, ang kaso ko raw po ay merong nagkamali na employer na naghulog ng SSS Contributions sa number ko. Hindi ko po ito kasalanan.

Ang ginawa po ng SSS-Daet ay pinag-fill up ako ng isang form na kung tawagin ay “REQUEST FOR VERIFICATION AND MAINTENANCE OF CONTRIBUTIONS RECORDS”. On that date, July 24, 2013 ay submitted ko sa kanilang office ang form na ito.

Sa aking pag-follow up, many times na, hanggang kahapon Dec. 6, 2013 ay laging sinasabi sa akin ng mga teller dito sa SSS-Daet na matagal pa raw ang proceso nito. Hindi man lang binigyan ako ng konting pag-asa na malulutas din ito kundi ang laging sinasabi sa akin ay matagal pa po ’yan.

Wala man lang po akong gaanong kakilala sa mga SSS employees para matulungan ako sa problema kong ito. Isa lamang po akong ordinaryong mamamayan na umaasa na makakuha ng SSS Pension. Ang magiging pension ko daw po 1,200 a month. Ang una ko daw pong makukuha ay 1,200 x 18 months. Pero matagal pa po raw ’yon hangga’t hindi pa natatapos ang problema ko sa SSS contributions ko.

Ang aking SSS number po ay 03-3002806-6.
Sana po ay matulungan naman ninyo ako sa bagay na ito.
Gumagalang,
Ely Z. Ibasco

REPLY: Ito ay kaugnay ng tanong ni G. Elias Z Ibasco hinggil sa kanyang retirement claim at manual verification request na kanyang ipinasa sa SSS Daet.

Ayon sa SSS Daet, ang manual verification request na ipinasa ni G. Ibasco ay kasalukuyan pang ginagawa ng aming Operations Accounting Section sa SSS Naga.

Nais lang naming ipaalam na ang manual verification ay isang proseso kung saan manu-manong susuriin ng SSS ang lahat ng buwanang kontribusyon ng isang miyembro. Ito ay tatagal ng hindi bababa ng tatlong buwan sapagkat iisa-isahin ang lahat ng rekords ng mga pinagtrabahuhan nito.

Amin ng tinawagan si G Ibasco upang ipaalam ang satus ng kanyang manual evaluation request. Muli namin siyang tatawagan, kapag may resulta na ang kanyang request.

Sana ay nabigyan namin na linaw ang katanungan ni G.
Ibasco.
Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security Officer IV
Media Affairs Department
Social Security
System

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...