Matt handa nang sumabak sa todong hubaran


May malaking pagbabago naman sa personal na buhay ni Matt Evans ngayon. Three months preggy na ang misis niyang si Katrina Fariñas.

Hindi na pala talaga sila nagkaayos ng ex-live-in partner niya ng anak ni Coca Nicolas na si Johnalline Hickins.
“Babalikan ko pa ba ‘yun, Tita Julie,” nakangiting sabi sa amin ni Matt pagkatapos niyang sumalang sa “Ikaw Na” segment ng King of Talk na si Boy Abunda sa Bandila.

One of the best things daw na nangyari sa buhay niya ang pagiging asawa. Nagkaroon daw ng direksyon ang buhay niya lalo na ang pagiging ama niya ngayon.

“Ano na, less barkada na ako. Mas maraming oras ang ginugugol ko sa bahay ngayon. ‘Yung barkada, text na lang. Naiintindihan naman nila ako,” tsika ni Matt.

Aminado naman si Matt na nabawasan ang kanyang sex appeal ngayong may asawa na siya, “Nabawasan kasi iniisip ko na siguro dahil artista ako hindi ako dapat nagmadali. Pero ‘yun talaga ang naramdaman ko.

Saka nangyari rin ‘yun sa iba, e. So, nilatag ko lahat ng baraha tao. Wala akong itinago lahat ng sitwasyon ko,” esplika niya.
Pero meron naman nagsasabi na kapag nag-asawa’t nagka-anak ang isang lalaki lalo namang nadadagdagan ang sex appeal niya’t sumeseksi, “Doon ako sa sumeseksi.

‘Yung sa akin po sabi ko, physically, ‘yun na lang ang ginagawa ko, magpaganda ng katawan. Papable raw? E, tama kasi, papa na ako. Ha-hahaha!”

Tinanong si Matt ni Kuya Boy kung handa na ba siyang maghubad sa pelikula, “Sisimulan ko muna magpaganda ng katawan. Paghahandaan ko muna.

Pero bukas na ako sa ganyan kasi wala na akong iniisip ngayon kundi ang career ko, pamilya ko,” saad niya. Actually, agree kami na mas guwapo ngayon si Matt. Nagkaroon nga siya ng dating sa amin na mala-John Estrada.

Mas yummy na siya ngayon. Anyway, kasama si Matt sa “Bride For Rent” nina Kim Chiu at Xian Lim sa direksyon ni Mae Czarina Cruz.

( Photo credit to Google )

Read more...