HOROSCOPE, January 11, 2014

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa taong ito ng 2014 umpisahan ng palaguin ng palaguin ang kabuhayan, upang yumaman. Sa pag-ibig, kapag ganitong malamig ang panahon, mas makabubuting ipaghanda ng mainit na sabaw ang kasuyo. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.”  Blue at red ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19) –   Lumalamig ang panahon, ngunit ang elementong init ang nagbibigay ng suwerte sa mga Aries.  Romansahin ang kasuyo at muling painitin ang pagmamahalan. Sa kalakal na may kaugnayan sa init at apoy malaking halaga ang kikitain. Mapalad ang 3, 9, 23, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Purple at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) –  May bagong mga opportunity na mabubuksan! Sa pinansiyal, isang Capricorn ang magdadala ng bagong pagkakakitaan. Sa pag-ibig, isang Libra ang kikiliti sa iyong damdamin, matamis na relasyon ang mabubuo.  Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Blue at silver ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Mahirap talagang mawalay sa pamilya, subalit kailangang tiisin upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, kung paanong lagi mo siyang naalala, ganon din naman siya sayo. Sa muli nyong pagkikita lalong sasarap ang romansa! Mapalad ang 4, 8, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Gray at gold ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) –  Tuloy ang pag-angat ng kita, ngunit bakit nga kaya hindi lubusang yumayaman? Malamang dapat ka ng magtipid at magsikap na mag-ipon. Sa pag-ibig, tama ang iyong sapantahan, sa isang Capricorn ligaya. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Purple at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) –  Iwasan ang isang hangal na pag-ibig na nagtatangkang dumating hatid ng isang Libra. Sa pinansyal, kung pabago-bago ka ng ka-relasyon paano ka yayaman? Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 2, 17, 26, 34, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Aum-Raga.” Red  at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Mga sopresang bagay ang biglaang magaganap. Sa pinansyal, sa kabila ng unti-unti ng nauubos ang pera biglang may darating na grasya.  Sa pag-ibig, kahit na bawal tuloy ang masayang pakikipag-relasyon sa isang Libra.  Mapalad ang 3, 12, 21, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Migeta-Om.” Red at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) –        May babala ng karamaman, natural na lunas ang kailangan. Laging magpa-araw sa unang oras  sa umaga at kumain ng sariwang gulay at prutas. Mas magiging masigla ang pagniniig kung laging sasabihan ng I love you ang kasuyo. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om-Nama.”  Lilac at  purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) –        Sa pinansiyal, sa patuloy na pagsisipag, biglang madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, hinahanap ka  ng isang Sagittarius paunlakan mo ang kanyang pagnanasa. Mapalad ang 6, 30, 33, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.”  Maroon  at lavender ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) –          Panahon na upang mag-move on. Limutin ang nakaraang kasawian! Mas magiging maligaya sa kasuyong Aries. Sa pinansyal, ano ang halaga ng salapi kung walang tunay at wagas na pag-ibig na nadarama.  Mapalad ang 4, 6, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kedemel, Hagiel.” Yellow at violet ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) –   Pagpasensiyahan ang kasuyong walang kuwenta, darating ang panahong magiging matino din siya. Sa pinansyal, talagang ganon wala talagang ibang maasahan kundi ang sarili mo. Dagdagan pa ang pagsisipag at pagtitipid upang umunlad. Mapalad ang 1, 19, 28, 34, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Yellow at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) –   Sa taon ito, ingatan ang kalusugan. Sa pinansiyal iwasang bumili ng mga pagkaing may food color at may preservatives. Sa pag-ibig, kapag hindi ka muling nagpa-sexy, sige ka, baka maghanap ng iba ang kasuyo. Mapalad ang 3, 6, 14, 31,33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Om-Dosha.” Maroon at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) –     Simulan ang taon sa layuning ispiritual. Sa pag-ibig, laging yayain ang kasuyo sa pagsisimba. Sa pananalapi lalo pang higpitan ang paghawak ng pera upang hindi malustay ang kabuhayan.  Mapalad ang 7, 11, 25, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Egosum-Om-Obre-Om.” Blue at silver ang buenas.

Read more...