TALAGANG hindi na maaawat ang pagdating ng swerte kay Paulo Avelino. Imagine, hindi pa tapos ang umeere nilang teleseryeng Honesto sa Primetime Bida ng ABS-CBN heto’t may bago na agad siyang soap opera.
At hindi lang basta teleseye ito, for the first time nga ay magkakatambal sila sa TV ni Bea Alonzo, ito nga ay sa madramang series na Sana Bukas Pa Ang Kahapon.
Sa ginanap na pocket presscon para sa nasabing proyekto ng Dreamscape Entertainment sa pamumuno ni Deo Edrinal kasama si Biboy Arboleda, sinabi ni Paulo na kahit siya ay nabigla nang malaman niyang may kasunod agad ang Honesto.
“I feel very blessed this year. Hindi ko rin ini-expect na kahit ongoing pa ‘yung isa, magkaka-project ako kaagad,” ani Paulo.
Natanong ang aktor kung ano ang reaksiyon niya sa mga chika na favorite talaga siya ng management at ano ang masasabi niya na baka maging isyu ito sa iba pang Kapamilya actors na hindi nabibigyan agad ng magagandang proyekto?
“Well, hindi naman siguro…I think, kumbaga, kung ano man ‘yung estado ko ngayon, pinagtrabahuhan ko rin naman…pinagtrabahuhan at pinaghirapan ko rin,” sey ng binatang ama.
Paano nga ba niya inaalagaan ang mga magagandang bagay na dumarating sa buhay niya? “May mga dahilan din naman ako kung bakit kailangan kong magtrabaho at magpursigi.
Para makaipon and kumbaga… mahal ko rin naman ‘tong ginagawa ko. “Kapag mahal mo ang ginagawa mo at nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo at nag-e-enjoy ka sa trabaho mo, parang kahit siguro araw-araw, puwede kang magtrabaho.
“Kasi, parang hindi na siya trabaho, just part of your daily work or parang nagpo-flow lang siya… just a brilliant thing,” litanya ng bagong ka-loveteam ni Bea.
Tungkol naman sa estado ng relasyon nila ni KC Concepcion, sinabi ni Paulo na ganu’n pa rin daw, dating pa rin sila. Alam ba niya na naospital kamakailan si KC dahil sa pneumonia? Oo raw, at in fairness, dinalaw naman daw niya ang aktres, “Yeah, I did. I did visit her.”
At ngayong tuluy-tuloy na naman ang trabaho niya, paano pa siya magkakaroon ng time para sa panliligaw niya kay KC, natawa muna ang aktor bago nagsabi ng, “Well, ayun nga, since Feb, I’ll be very busy, so tingnan natin.”
Speaking of Sana Bukas Pa Ang Kahapon, triplets ang magiging role ni Bea sa kuwento, kung saan makakasama niya sina Michelle Vito, Iza Calzado, with Susan Roces, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Anita Linda and Albert Martinez.
Magsisimula na ang taping ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon sa February sa direksiyon nina Jerome Pobocan and Trina Dayrit.
( Photo credit to Google )