Babae ang baby

Sulat mula kay Edna ng Barangay Mangagoy,  Bislig City  
Dear Sir Greenfield,
Apat na taon na kaming nagsasama ng asawa ko at maligaya ang aming buhay.  Pero may kulang: anak.  Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming anak.  Seaman ang mister ko at uuwi siya sa susunod na taon.  Itatanong ko lang kung magkakaanak ba kami.  At kung magkakaanak ay kailan.  Babae ba o lalaki?
Umaasa,
Edna ng Barangay Mangagoy, Bislig City  
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Dalawang guhit ng anak ang malinaw (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Tanda na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, huwag kang malungkot dahil siguradong  magkaka-baby rin kayo.
Cartomancy:
Nine of Diamonds, Eight of Hearts at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing pag-uwi ng mister mo next year, kung sa kalagitnaan ng taon siya uuwi o sa huling tatlong buwan ng 2014, ay maaari kang mabuntis at babae ang isisilang mo.
Itutuloy

Read more...