Pulis, tatamarin nga

HINGGIL sa pagtanggap ng mga reklamo, tatamarin nga ang mga pulis. Hindi nakapagtatakang tinatamad na sila ngayon na tumanggap ng reklamo mula sa naapi bunsod ng pinalawak na sakop ng Lupon Tagapamayapa ng barangay.

Sa bagong kalatas, napakaraming kasong kriminal ang idadaan muna sa barangay, tulad ng adultery, acts of lasciviousness, concubinage, forcible abduction, libel, malversation of fund, theft, sedition, parricide, murder, homicide, arson, paglabag sa Batas Pambansa 22 (tsekeng talbog) at habeas corpus. Magaling ang nakaisip nito. Mapipilitang ilagay ng api sa kanyang kamay ang batas dahil mas lalong matagal ang kanyang paghihintay sa isi-nisigaw na hustisya. Mas madaragdagan ang biktima kapag kakampi ng suspek ang mga nasa barangay.

Misyon ng Lupon ang magkasundo ang dalawang partido. Pero, mahirap mangyari ito sa mga reklamong abduction, libel, malversation of fund, theft, sedition, parricide, murder, homicide, arson, paglabag sa Batas Pambansa 22 (tsekeng talbog) at habeas corpus. Sa reklamong talbog na tseke, walang puwersa ang lupon na obligahin ang suspek na bayaran agad ang biktima.

Walang kapangyarihang magpakulong ang lupon, di tulad ng huwes. Sa reklamong murder at homicide, maaaring pag-initan pa ang lupon ng isang partido kapag nakita ng kabila na may kinilingan ito. Kahit sinong pulis ay nagsasabing hindi simpleng reklamo ang murder at homicide at tanging ang armadong alagad ng batas lamang ang may kapangyarihan na mamagitan dito.

Pinagtawanan ng kaskaserong mga driver sa Metro Manila si Davao City Mayor Rodrigo Duterte nang ibaba nito ang speed limit sa pusod ng lungsod sa 30 kph. Ang sunud-sunod na aksidente sa South Luzon Expressway, North Luzon Expressway, Commonwealth ave., sa Quezon City, ang aksidente sa Imus, Cavite na lima agad ang patay ay sanhi ng mabilis na pagpapatakbo. Ang lumipad na Don Mariano bus sa Skyway ay overspeeding din at 19 ang patay, pati ang ogag na driver.

Ngayon, tayo ang pinagtatawanan ni Duterte.

Bukod sa walang mga bagong plaka at sticker, sira na rin at hindi gumagana ang mga printer sa ilang sangay ng Land Transportation Office sa Metro Manila. Sa Novaliches office, mag-iisang taon nang sira ang printer. Kapag sira ang printer ng sangay ng LTO, hindi makakukuha ng student permit ang mga aplikante. Karamihan ng mga aplikante sa student permit ay mga rider dahil bukod sa mura ang motorsiklo, malaki pa ang natitipid sa gasolina at hindi naghihintay ang motorsiklo sa trapiko.

Serbisyo lang ng LTO, hindi pa ibinibigay. Bulok na gobyerno talaga ito.

MULA sa bayan (i-text sa 0917-8446769): Protection is better than cure, This is an important aspect that P-Noy should have. He should follow what Duterte did. The number of victims in firecracker incidents is a result of having a lady-thinker ruler. At this point, we need a leader that is as tough as nail, who can also protect the people from disasters and figure out the best solution.
Having a lousy president, our nation is in danger. He should know teh five Ps of success: proper preparation protect poor performance. Duterte is our living hero. Dapat tularan siya ng ibang namamahala sa bansa. …2920

Ang sabi ni Sen. Ernesto Maceda, isa sa personalities of the year daw si Mayor Beng Climaco. Paano nangyari iyon. Hindi ipinaliwanag ni Sen. Maceda.

Read more...