HOROSCOPE January 09, 2014

Para sa may kaarawan ngayon:  Wag magpabago-bago ng isip! Ituloy ang layuning na may kaugnayan sa negosyo upang sa 2014 makamit ang isang masaganang buhay. Sa pag-ibig, bilang birthday gift mamayang gabi may masarap na pagniniig. Mapalad ang 3, 21, 18, 27, 36, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Arhate-Om-Padme.” Green at red ang buenas. Aries – (Marso 21-April 19)— ‘Wag guluhin ang buhay ngayong 2014. Wag isipin ang mga suliraning hindi pa dumarating. Ang ngayon ang mahalaga kaya ngayon ka na dapat mag tipid at mag ipon. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa malambing na Libra.  Mapalad ang 9, 17, 23, 41, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om”. Silver at pink ang buenas. Taurus – (April 20-May 20)—      Sa pag-ibig, wag hayaang lumayo ang kasuyong Capricorn, hindi ka uunlad at hindi ka rin liligaya kung patuloy na mag-iissa. Sa pinansyal, isang Capricorn din ang magbibigay sa iyo ng malaking pag-unlad.  Mapalad ang 6, 17, 24, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahme-Neva-Om.” Purple at violet ang buenas. Gemini – (May 21-June 21)—    Hectic na activities ang nagbibigay ng suwerte sa mga Gemini. Kumilos ka ng kumilos. Kapag kilos ka ng kilos sa taong ito ng 2014,  mas madaling lalago ang kabuhayan, at sa pag-ibig mas sisigla at sasarap ang romansa. Mapalad ang 5, 9, 14, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Gray at pink ang buenas. Cancer – (June 22- July 22)— Dagdag na pagmamahal ang dapat iukol sa kasuyong Capricorn. Upang lalo siyang sipaging magpayaman. Wala namang ibang magpapayaman sayo kundi ang isang Capricorn.  Mapalad ang 7, 18, 22, 26, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Red at green ang buenas. Leo – (July 23 – August 22)—    Lahat naman ng tao ay may utang. Isipin mo na lang na darating din ang panahong makakabayad ka rin. Sa pag-ibig, mag isip ng paraan kung paano makakatulong sa kasuyo sa aspetong pang-pinansyal. Mapalad ang 1, 19, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Orange at gold ang buenas. Virgo – (August 23 – September 22)—  Hindi mabuti ang sobrang galante. Kapag ganyan ang iyong ugali, hindi ka yayaman. Upang umunlad at yumaman sa taong ito ng 2014 mag-hanap ka ng kasuyong kuripot. Mapalad ang 5, 9, 14, 32, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jagat-Guro-Om.” Beige at blue ang buenas. Libra – (September 23-October 23)—     Sa taon ito, iwasang makipag-landian sa iba, may babala ng pagtataksil. Sa pag-ibig manatiling tapat sa kasuyong Aquarius. Sa pinansiyal, wag ubusin ang pera sa pagbo-blow-out, magtabi ng salapi para sa Valentine date. Mapalad ang 4, 18, 28, 37, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Haribol-Om.” Pink at red ang buenas. Scorpio – (October 24 – November 21)—Kakaibang pangyayari ang darating. Sa pag-ibig muling titibok ang puso, sa biglaang pagkikita ng dati mong crush. Sa pinansiyal, may mag-aalok ng bagong pagkakakitaan – sunggaban mo agad. Mapalad ang 2, 16, 25, 32, 41, at 48. “Aum-Bhanah-Bhanah-Om.” Green at red ang buenas. Sagittarius – (November 22 – December 21)— Hindi magiging maligaya kung laging pinaiiral ang sama ng loob. Patawarin ang kasuyong nagkasala at magsimula kayong muli. Sa pinansyal, tipirin ang pera para may maibigay sa ka-pamilyang nangangailangan. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Ravaye-Om.” Pink at violet ang buenas. Capricorn – (December 22 – January 19)—   Unti-unting matutupad ang mga pangarap basta’t blisan mo lang ang pagkilos. Kapag binilisan mo ang pagkilos at lagi kang nagmamadali, mas madali mong masusungkit ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Gold at orange ang buenas. Aquarius – (January 20 – February 18)— Susuwertehin ang mga Aquarius, kusang madodoble ang pinagkakakitaan, habang sa pag-ibig, lalong iinit at mas magiging maligaya ang relasyon. Mapalad ang 6, 16, 25, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Ketu-Manu-Om”. Red at yellow ang buneas. Pisces – (February 19 – March 20)— Sa taon ito. ‘wag makibarkada sa mga taong walang kuwenta, mahahawa ka lang sa kanila. Piliin ang mga kabarkadang mayayaman at magagaling upang sa bandang huli gumaling at yumaman karin . Mapalad ang 4, 19, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Aum-Venit.” Magenta at green ang buenas.

Read more...