Kim nagtaray sa presscon, showbiz writer nabastos kaya nag-walkout


Obvious na napikon si Kim Chiu sa pangungulit sa kanya over the real score sa kanila ni Xian Lim. Walang kagatol-gatol na sumagot ng ganito si Kim sa presscon ng “Bride for Rent”, “Ako, sinagot na rin namin to sa last presscon namin ni Xian.

We don’t owe you any of our personal lives siguro. You can think whatever you want to think as long as you’re happy when you watch us on TV, nakikita niyo kung paano kami ma-in love, ganyan. And ‘yun na ‘yon.”

“And lahat naman tayo merong mga hindi dapat i-share o dapat i-share, and it’s our choice, and I hope you guys respect that,” dagdag pa niya.

Naloka ang nagtanong at nag-walkout dahil ang feeling niya siguro ay nabastos siya.Before that ay inamin ni Kim na si Xian ang closest guy sa kanya, “Masaya kami sa isa’t isa. We’re happy kapag magkasama kami.

Komportable kami sa isa’t isa and I’m very thankful na nandiyan si Xian para sa lahat ng nangyayari sa akin. Siya lang ‘yung matatawag kong kaibigan sa showbiz.”

Although she’s not mentioning names which made her past very painful ay aminado si Kim na nawalan na siya ng tiwala sa mga lalaki after her break-up with an actor, na obviously referring to Gerald Anderson.

“Ako kasi after nu’ng nangyari sa akin ay parang mailap na ako na makipagkaibigan. Masaya na ako na nagtatrabaho ako and nandiyan ‘yung mga kapatid ko, ‘yung pamilya ko, ‘yung mga pamangkin ko.

Masaya na ako with my family. Ayoko nang mag-cross ng board na makipagkaibigan, medyo natatakot na ako. Siya (Xian) ‘yung pinakamalapit (na guy sa akin),” sabi niya.

( Photo credit to Ervin Santiago )

Read more...