Comedy Academy goes to Bicol

MULING hahataw sa pagpapatawa at pagso-showdown ang comic duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola sa benefit show na “Comedy Academy Goes To Bicol” na ipinrodyus ng ating ka-BANDERA na si Ambet Nabus.

Gaganapin ito sa darating na Sabado, Nov. 12 sa Zirkoh Tomas Morato, 10 p.m..

Makakasama sa makabuluhang concert na ito ang super tweens ng GMA na sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio. Makaka-join din sina Enchong Dee, AJ Dee, Lara Quigaman at iba pang Bicolano celebrities na gustong magbigay ng kanilang suporta sa mga kababayan natin sa Bicol.

Ang show na ito ay para sa Sarong Banggi International at sa mga barangay health workers at day care workers sa Albay. Tickets are available at Zirkoh Comedy bar.

Kaugnay nito, nais din ng mga taong bumubuo sa benefit show na ito na ipaalam sa ating mga local artists na makibahagi sa “BANDERA Celebrity Bazaar” sa pamamagitan ng pagdo-donate ng kanilang mga kagamitan, tulad ng damit, accessories, gadgets, laruan o housewares.

Ito’y gaganapin ngayong Disyembre sa Media Resource Plaza Bldg., Mola St., Cor. Pasong Tirad, Makati City, para sa “MUNTING PANGARAP”  project ng INQUIRER BANDERA.

Magkakaroon ng booth ang INQUIRER BANDERA sa labas ng Zirkoh sa mismong gabi ng “Comedy Academy Goes To Bicol” para tanggapin ang inyong donasyon.

Ang kikitain nito ay gagamitin sa pagbibigay katuparan sa maliliit na pangarap ng ilan sa ating mga kapuspalad na kababayan.

Maaari kayong makipag-ugnayan kay Ervin Santiago (895-1472/0917-6241756) o kay Ambet Nabus (0915-2954429).

Read more...