Tony, Paul bantay-sarado pag nagde-date

NAKAKALOKA naman pala itong sitwasyon ni Toni Gonzaga. Imagine, kahit na 27 years old na siya ay may curfew pa rin siya kay Mommy Pinty.

Sabi ni Toni sa isang interview, hindi siya nakakalusot sa pagiging istrikto ng kanyang mommy. Hindi rin siya umuubrang makipag-date kay Paul Soriano ng walang chaperone. Ganoon kaistrikto si Mommy Pinty, bagay na naiintindihan naman daw ni Toni.

Ang nakakaloka, sa apat na taon nila ni Paul bilang magdyowa ay hindi pa rin pala sila nagkakaroon ng pagkakataon na mag-date nang sila lang.Palagi raw silang may kasama.

Tsika pa ni Toni, si Alex Gonzaga daw ay minsan nakakalusot sa pagiging mahigpit ni Mommy Pinty pero may kasunod daw itong sabunot. Ewan kung nagbibiro siya nang sinabi niya ito sa isang interview, ha! Ha-hahaha!

Read more...