Enchong kinakalinga ang mga bata sa Boystown at mga biktima ng Rape

RAMDAM talaga namin na isa sa may mabuting puso at magandang ugali among the new set of young actors sa Star Magic ay itong si Enchong Dee.

Ang dami niyang tinutulungan na iba’t ibang institutions, bukod pa nga sa kanyang pamilya. Ilang Pasko na naming nawi-witness kung paano niya sine-celebrate ang Christmas.

For the past years, ini-invite niya ang PMPC carolers para kantahan ang mga biktima ng mga tinutulungan niyang institutions.
Nu’ng una, dalawang magkasunod na taon niya pinakanta ang PMPC carolers sa Boys Town sa Marikina.

At nitong last two Christmas seasons, e, sa mga batang babae na biktimang rape naman niya kami inimbita. Sa hitsura ng mga batang babae na nakita namin doon, ‘di tuloy napigilan ng ilang PMPC members ang maluha habang kinakantahan namin sila.

Ang nakakatuwa pa kay Enchong, talagang  ipinagmamalaki niya kaming ipinakikilala sa mga batang biktima ng karahasan sa ating lipunan.

Pagkatapos tini-treat din ni Enchong ang mga bata ‘di lang ng konting kasiyahan kundi binubusog niya ng pagkain at regalo.
Every year naman his super bait na mommy ang laging nakaalalay kay Enchong sa pag-iistima sa amin at sa mga kailangan ng mga bata.

At doon na lang din kami every year nagkikita ng mommy niya. Hindi pa artista noon si Enchong at dedicated athlete sa sports na swimming sa school niya noon ay kilala na namin ang pamilya niya dahil sa kanyang panganay na kapatid na si AJ Dee.

Noon ay si  AJ ang nag-i-invite sa amin na mag-caroling sa kanila even nu’ng bagong lipat sila sa bagong bahay na kinuha ni AJ for his family sa Horseshoe Drive subdivision malapit sa bahay ng lola ni Richard Gomez.

Ngayon kwento sa amin ng ina ni Enchong, ready for occupancy na ang  second at third floor ng bagong  tayong building ni Enchong sa may  Cubao.

May mga nagre-rent nang business establishments sa ibaba ng building na katabi lang  ng Nepa Q-Mart. Kunsabagay, noon pa man ay mga negosyante na ang parents ni Enchong.

Pero ang building daw na ‘yon ay si Enchong daw talaga ang gumastos.  Kaya maswerte talaga ang babaeng mapupusuan nitong si Enchong, huh!

Like rin namin si Enchong kasi pareho silang charming at ma-PR  sa lahat ng Kuya AJ niya. Hindi rin lumaki ang ulo niya unlike ni Enrique Gil na nirereklamo na ng dati niyang ka-close na mga writer na hindi na raw sila pinapansin ngayon. ‘Yun ang tsika mismo nu’ng writer sa amin, huh!

Anyway, maligayang namumuhay na raw ngayon sa Norway si AJ kasama ang kanyang wife na isang flight stewardess at isa nilang anak.

Wish namin, sana ‘di magbago ng ugali si Enchong ng anumang success na makuha niya at palaging maging mapagmahal sa kanyang mga magulang.

( Photo credit to Google )

Read more...