Mag-detox muna

ANG konsepto ng detox ay masyado nang naging komersyal. Karamihan sa mga ibinibentang produkto ay walang basehan tungkol sa epekto. Dapat malaman na mas importante ang konsepto kaysa produkto.

Hindi mo kinakailangan gumastos para ikaw ay gumawa nito. Gagawin mo ito sa loob ng 10 araw.

Una: Paggising sa umaga, sa halip na kape o soft drinks, uminom muna ng 2-3 baso ng “warm water”. Hayaan muna na makababa sa tiyan at maramdaman ang kabusugan ng kahit tubig pa lang ang ininom.

Sa loob 10-day detox, iwasan mong uminom ng may asukal gaya ng “cola drinks”, juices, at beverages na may kulay at alcohol.

Mapapansin mo na pagkatapos nito ay matamis na ang panlasa mo sa tubig. Iwasan rin ang mga “refined foods” na matatamis gaya ng mga “desserts”. Iwasan na rin ang matatabang (fats) pagkain sa panahong ito. Lahat ng mga gulay na maari mong makuha ay siya mong kainin.

Iwasan na rin ang mga “processed food” gaya ng de-lata at mga produkto na galing sa harina (Flour derivatives). Matutong mag-bilang ng “calories”. Limitahan sa 1200 Kcal lang ang “daily total food intake”.

Patuloy na uminom ng Warm Water para makumpleto ang 10 baso, o kaya ay tatlong litro sa isang araw.

Para ikaw ay magkaroon ng regular na pagdumi, maari kang uminom ng dalawang kutsara ng Coconut Virgin Oil bago matulog sa gabi.

Ang hapunan ay dapat bago mag ika-anim ng gabi (6 pm). Ito ang detoxification basics.

Meron namang mas agresibo ngunit mas komplikadong detoxification. Hindi ko basta isusulong ang paggamit nito dahil hindi pa laganap ang ebidensya tungkol sa mga magandang epekto nito.

Nasa kagustuhan lang ninyo na subukan ang iba’t-ibang uri gaya ng “Colon Cleansing”, “Chelation for heavy metals”, “body cleansing” at iba pa.

Ang ating papalaganapin ay ang pagtigil lamang ng patuloy na “oxidation” na dala ng negatibong pamumuhay (negative lifestyle), at ito ay nakatuon sa nutrisyon.

May mga “supplements” na maaring gamitin na nakalaman sa isang programa gaya ng “NutriClean 7-day Detox”.

May mga iba’t-ibang “Detox Recipes” nguni’t karaniwan ay tungkol sa pagkain ng “fiber”. Ang tsaa ay makakatulong din sa pagdumi. Ang Vitamin C ay nakakatulong ng malaki.

Kasama sa Detoxification ang pagtigil sa mga bisyo, gaya ng sigarilyo, alak, at droga. Ang Ehersisyo ay mahalaga.

Pinakamahalaga ang Espiritwal na aspeto kung saan kinakailangan natin mailabas at maitapon ang mga masasamang pag-iisip at mabigat na damdamin, mga negatibong enerhiya at pagiging makasarili. Kailangan na matutong magpatawad sa kapwa at sa sarili pagkatapos humingi ng tawad sa ating Poong Maykapal.

Inaaanyayahan ko kayong sumanib sa BARANGAY KALUSUGAN — ang ating magiging ugnayan tungo sa pagpapaunlad ng ating kalusugan.

Sundan sa Facebook at Twitter: barangay.kalusugan@yahoo.com.
Maari kayong magkomento, magtanong at mag-share ng inyong mga gawain at lifestyle na naghahatid ng magandang resulta sa inyong kalusugan.

Read more...