SA gitna ng kahirapan, heto ang isang taong pinaikot ang showbiz industry while she was away. Ibang klase talagang maglaro sa buhay ang isang Kris Aquino.
Imagine, kung magsalita ay parang totoong loyal sa Kapamilya network by saying that she practically grew up with them for 18 longs years pero she considered negotiating with other networks at nang makuha ang gusto sa Dos ay pakiyemeng ipinagsisigawan that she is still a Kapamilya and she’d always will.
Negosyante talaga sa salitang negosyante. Sa pagkakaalam namin, she’s paid so much – as in soooo mucchhh sa ABS-CBN – siya na yata ang pinakamahal na talent na binabayaran ng Dos – and guaranteed ha!
Meaning, may show o wal, she gets paid her price. Pero hindi na nakuntento dahil marami pa pala siyang nais gawin. Ang gusto raw niya ay isang teleserye being partnered with Coco Martin and John Lloyd Cruz para masabi sigurong mahusay siyang aktres gayong alam niyang she’s comparable to a ham.
Inamin niyang she had met with Manny V. Pangilinan ng TV5 twice pero hindi niya sinabi kung ano ang napag-usapan nila. Basta ang sey lang niya ay meron siyang tampo sa ABS-CBN.
Her manager Deo Endrinal negotiated with ABS-CBN bosses and what she wanted, she got. She is signing a new two-year contract with ABS-CBN as soon as she arrives from London.
She’d get paid her asking price – kung magkano man iyon, bahala na si Batman! Pero take note, napakaraming artista sa Dos ang walang masyadong work.
Kumbaga, sa kaniya na lahat, kasi nga, how do they fight a presidential sister na nag-iilusyong magaling na aktres?
Habang wala siya sa bansa, umikot ang headlines sa mga newspapers, TV and radio shows on her alleged turning back sa ABS-CBN.
Ngayon ay nagkaalaman na, that she’s no longer moving out dahil nakapag-compromise na ang istasyon sa kaniya. Gusto talaga niyang magpayaman nang magpayaman habang nasa posisyon ang kapatid niyang pangulo.
Ibang klase, di ba? Hindi na nakuntento. Samantalang tayo ay halos hindi makakain ng tatlong beses isang araw dahil sa measly fees natin.
“Ang laki ng kinita ng pelikulang pinrodyus niya, di ba? Hindi pa ba siya kuntento sa kinikita niya? Gusto niya maiuwi pa niya ang limpak-limpak na salapi ng ABS-CBN?
Bakit hindi na nga lang siya magtayo ng sarili niyang network para kaniya na lahat ng kikitain? She’s really a spoiled brat. Mula noon hanggang ngayon ay hindi na siya nagbabago, bakit naman kasi parang mamamatay ang Dos pag wala siya? Sana binitawan na nila.
“Para ring si Willie Revillame iyan before na ibang eksena lang. Yung halos awayin ang network na nagpapasuweldo sa kaniya because she wanted more.
Hindi ba niya naisip na kapag binitawan siya ng Dos ay sa gutters mauuwi ang career niya? Kaloka pala ang babaeng iyan,” anang isang kaibigan namin.
“Nagpataas-presyo lang pala pinatagal pa. Siguro pinresyur niya ang Dos na kapag hindi pa nila ibinigay ang hiling niya until she comes back, talagang susunggaban na niya ang presidential position offered to her by TV5.
Alam niyo naman si Kris, siya ang nag-i-schedule ng kapalaran niya. She designs her tomorrow and heto naman ang ABS-CBN, natakot. Marami kasing mababago sa istasyon pag wala na si Kris sa Dos.
“Siyempre, baka pag-initan sila ng pamahalaan at pag nagsalita si Kris with matching tears na walang utang na loob ang istasyon sa pamilya nila dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi ito maibabalik sa mga Lopezes, patay na naman ang ABS-CBN.
Lalabas na sila pa ang ungrateful though ang trip lang naman ni Kris ay magtaas-presyo.”Kung tutuusin ay sobra-sobra na ang pagbabayad ng utang na loob ng Dos sa mga Aquino through Kris, ‘no! She even got more than what she deserved.
Kaya huwag kayong magtaka kung nakagawa na naman ng panibagong monster ang Dos sa katauhan ni Kris,” talak naman ng isang kibitzer.
Bukas ay babalik na sa bansa sina Kris and her children. Siyempre, bida na naman siya dahil left and right na naman ang interviews niya with the media about this issue.
Umiikot na lang ang industriya sa kaniya. Wala ng ibang topic kungdi siya. For sure ay puri to the heavens na naman ang mga drumbeaters niya, magaling magpaikot si Kris ng media.
Meron siyang set of publicists that she pays well at kahit anong gawin niyang kabalbalan ay pinagtatakpan nila. Kasi nga, ibang klaseng magregalo si Kris sa kanila.
Mamahalin talaga. Kungsabagay, gasino lang naman iyan sa laki ng kinikita niya. Hay naku, buhay. Well, you have to be a Kris Aquino to be able to demand what you want in this business.
Pag hindi ka isang Kris Aquino, don’t even attempt to resign or move to another network at maiiwan ka sa ere. Promise!
( Photo credit to Google )