HOROSCOPE, January 07, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, January 07, 2014

Madam Sophia - January 07, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Mahihirapan kang mag-desisyon dahil may isang kaibigan na naman ang lalapit upang mangutang. Piliin lang ang mga papautangin, silang may kakayahang magbayad. Sa pag-ibig, ipatago ang natitira pang pera sa kasuyong Cancer. Mapalad ang 3, 15, 18, 21, 29, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami.” Green at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Sa pag-ibig, ‘wag ng ulitin ang nakaraang mga pagkakamali dahil sa pagmamadali. Sa pinansyal sa dahan-dahan at unti-unting pagiipon yayaman ka.  Mapalad ang 7, 13, 20, 29, 37 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Lilac at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Venus ang ruling planet ng Libra. Ibig sabihin sa taong ito ng 2013 basta’t lagi ka lang magpaganda at magpa-sexy, sa pinansyal at pag-ibig siguradong sasagana ka at magiging maligaya. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahwiaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om-Mahatha.” Red at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Maraming mga pagbabago ang hatid ng 2014. Sa pinansyal, bagong negosyo at bagong pagkakakitaan ang higit na magpapayaman sayo. Sa pag-ibig higit kang mas magiging maligaya sa bagong pag-ibig na darating. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Menggay-Om.” Silver at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—May bagong kalakal na iaalok ang isang kaibigan. Kung siya ay isang Capricorn sunggaban mo agad upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, nagtatampo ang kasuyong Virgo, haguran siya ng noo at imasahe. Mapalad ang 6, 15, 24, 32, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Om.” Apple green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa pag-ibig, tigilan na ang madalas na pambubulyaw at pang-aaway sa kasuyong Aries. Maging mabait sayong mga tauhan, upang maging mabait din sa iyo ang kapalaran. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vadya.” Yellow at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Iwasan ang pagiging perpeksyonista! Kapag ganyan kang lagi, hindi matatapos agad ang mga  gawain, isipin mo kung mas mabilis kang nakakatapos, mas marami kang magiging pera. Sa pag-ibig, wag pintasan ang kasuyong Taurus. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Sol-Maya-Om.” Lilac at White ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Sa taon ito ng 2014, ingatan ang pigura, kapag pumangit ka, magkaroon ng problema sa pag-ibig at pakikipag-relasyon. Panatiliin ang pagiging wholesome at sexy. Hindi dapat gumasta ng malaking halaga sa pagpapaganda konting exercise lang ay sapat na. Mapalad ang 8, 14, 25, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yumana-Pad-Meh Om.” Beige at silver ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pag-ibig, tanggalin ang pag-aalinlangan, panatiliin ang tiwala upang lumigaya ang relasyon. Sa pangangalakal, magtiwala sa sariling kakayahan, – kayang-kaya mo namang magpayaman! Mapalad ang 7, 16, 23, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— ‘Wag kang masyadong mabait! Sa taong ito ng 2013 sa sobrang kabaitan, mauubos agad ang  pera. Hindi masamang mamigay at mag-pautang, pero wag naman sobra. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat pagpakitaan ng sobrang kabaitan, ang kasuyong Virgo.  Mapalad ang 4, 18, 26, 33, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Vai-Kuntha-Vai-Nava”. White at  lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Pagtiyagaan ang kasuyong walang kuwenta, malay mo magbago din siya lalo na’t malapit na ang Valentine’s. Kung wala paring maaasahan sa kasuyo, ikaw ang dapat magsikap, upang umunlad ang kabuhayan. Mapalad ang 4, 18, 28, 34, 38, at 40. Mahiwag among mantra: “Chandaya-Sandapha-Om.” Beige at purple ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—  Hindi dapat ipaubaya sa iba ang kapalaran. Sa sarili mong diskarte sa taong ito ng 2014 kaya mong umunlad at lumigaya. Mapalad ang 4, 11, 22, 29, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Grehan-Karan-Om.” Black at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Dagdag na ispiritualidad ang dapat. Sa pag-ibig at pinansyal, kapag sinamahan ng panalangin ang bawat araw ngayong taong 2014, ang iyong wish ay mas mabilis na makakamit. Mapalad ang 4, 7, 16, 25, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Green at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending