NEGOSYO lang, walang personalan.
CANVASS lang ang katapat niyan at makikita na kaagad kung sub-standard and overpriced ang mga materyales.
Oo, ang tinutukoy ko ay ang sinasabing overpriced na mga bunkhouses para sa mga nasalanta ng super bagyong Yolanda.
Nag-iimbestiga pa ang Malakanyang tungkol dito.
Pero nang makausap namin sa BANNER STORY (program ng inyong lingkod sa 990AM Inquirer Radio) si Rehabilitation Czar at dating senador Panfilo Lacson, halos kumpirmahin niya na totoo ngang may mga pagmamalabis at iregularidad sa pagtatayo ng mga bunkhouses na ito. Kumpleto umano siya sa mga dokumento tungkol sa anomalya sa paggawa ng mga bunkhouses sa Leyte at Eastern Samar.
Iyan ang sabi ni Lacson sa amin bago pa pumutok ang balitang ito at maging headline ng Inquirer. Nakarating na anya sa kanya ang reklamo.
Dalawa ang natukoy na umanoy nasa likod ng anomalya, ayon kay Lacson — isang kongresista na dikit sa administrasyon at isang dating Commissioner ng Commission on Elections.
Ayaw pang pangalanan ni Lacson kung sino ang dalawa, pero sila ang may kinalaman umano sa pagsusulong ng mga kumpanya o mga kontratista sa proyektong pagpapatayo ng mga bunkhouses.
Di man banggitin ang mga pangalan, ang daling matukoy kung sino ang mga ito, lalo na yung dating opisyal ng COMELEC dahil, hello, kaliwa’t kanan kaya ang pagpapa-interview niya sa media para talakayin ang mga ginagawa nilang proyekto na mistulang tulong sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda.
Pati nga sa purification ng tubig doon, may project siya. ‘Wag nang magmaang-maangan pa.
“Amoral” –yan ang pagsasalarawan ni Lacson sa mga taong akalain mo, nakaisip pa ng pananamantala ang mga taong ito sa gitna ng dinanas nila.
Akalain mo, nakaisip pang mag-negosyo ang mga taong ito sa pagtatago sa umano’y “corporate social responsibility?”
Revision lang ito ng linya ni Daboy noong araw na “Trabaho Lang!”, at sa kanilang kaso, “Negosyo Lang!”
Nakakatulog pa kaya sila? Ang masakit na sagot! Malamang! At oo naman! Akalain ba ninyong nakaisip pa sila ng pagkakataon para pagkikitaan ang mga sinalanta?
Now the reality of corruption in the rehabilitation effort is the biggest and probably the single most important challenge faced by Lacson.
If the powers above him may take into consideration, political affiliations and alliances in the conduct of investigation on the reported and alleged anomalous project, the people expect him to ignore this and focus on his commitment.
Kailangan ding tumugon at sumuporta si Pangulong Noy sa hakbang na ibuking ang korupsyon sa proyektong ito, at “ituluyan” niya kung sino man ang sasabit dito.
This is his chance to put the purported “Tuwid na Daan”. Sampolan na niya ang mga ito.