‘Igan ni itay, rapist pala


HINAHANTING ng mga pulis ang construction worker makaraang ireklamo ng panggagahasa sa 16-anyos na estudyante sa Taguig.

Inireklamo ng mga magulang ng menor de edad na babae ang suspek, na kinilalang si Ricky Santiago ng panggagahasa.
Nabatid ni PO3 Magdalena Palacsa, ng Women’s and Children’s Protection Desk, na magkaibigan ang suspek at ama ng biktima, na jeepney driver.

Bago naganap ang insidente, nagtungo sa bahay ng biktima ang suspek at niyayang uminom ang ama nito dahil nag-away daw sila ng kanyang asawa at magpapalipas lamang ng sama ng loob.

Nang malasing, nakiusap ang suspek na doon na lang matutulog dahil masama pa ang loob niya at lasing na siya. Dahil kaibigan, pumayag ang ama ng biktima.

Pagsapit ng alas-3:45 ng umaga, pumasok sa silid ng biktima ang suspek.  Walang nagawa ang dalagita dahil malakas ang suspek at binantaan pa itong papatayin.

Nang makaraos ay tumakas ang suspek.  Dahil sa takot, alas-8 na ng umaga nang magtapat ang biktima sa ama.

Read more...