Kaya naman tambak ang mga laruang Hello Kitty ni Jillian na mula sa kanyang pamilya at kaibigan. Nang nag-6th birthday noong February, niregaluhan siya ng GMA Artist Center ng Hello Kitty set na mayroon pang microphone at korona. “She wants a Kitty party theme for her next birthday,” ayon sa mommy Jennifer niya.
Binigyan din daw siya ni Marian Rivera, na nakasama niya sa “Jillian: Namamasko Po,” ng Louis Vuitton-inspired Hello Kitty bag. Maging ang manager niyang si Joe Barrameda ay wala ring sawa sa kabibigay sa kanyang alaga ng mga Kitty collectibles.
Ang pinakamahal na laruan sa kanyang koleksyon ay regalo ng kanyang ninong. “It’s a limited-edition doll with feathery fur. There were only five of its kind in the Philippines when it came out,” kuwento ni Jennifer.
Kamakailan ay binigyan ng fastfood chain na McDonald’s ng 35th anniversary commemorative collection of Kitty “Happy Meal” toys si Jillian. Ngayon ay mayroon na siyang Kitty blankets, pillows, towels, pencil cases, utensils, Band-Aid, shades, purses, cups and mugs, wallets, jackets, camera at tent.
Galing ang tent sa kanilang family friend, dagdag ni Jennifer. Nasa kuwarto ni Jillian ang Hello Kitty Hideaway tent. Maging ang seat cover ng kanilang kotse ay Hello Kitty!
Maliban sa Hello Kitty, na-ngungulekta rin ang “Daldalita” star ng Barbie at Baby Alive dolls. Kuwento ng mommy niya na ang unang Baby Alive ni Jillian na si Sophie ay regalo niya para sa ginawang TV commercial ng anak para sa Promil noong apat na taong gulang ito.
Nang matapos ang Christmas series na “Namamasko Po” ay niregaluhan si Jillian ng TV director na si Mark Reyes ng Baby Alive doll na si Chloe. Ngayon ay mayroon na ang little star ng mga Baby Alive Toys mula Changing Time Baby hanggang Baby All Gone. Ang bago niyang manika: Bounce & Babbles and Splash & Giggle.
Ayon kay Jennifer, suwerte ang kanyang anak dahil napaka-generous ng mga kaibigan at fans nito. Isa pang co-star sa “Namamasko” na si Claudine Barreto ay binigyan si Jillian ng makeup box. Habang Bulgari Petit et Mamans naman ang ibinigay sa kanya ni Lovi Poe.
Ang kasama niya sa “Daldalita” na si Isabel Oli ay binigyan siya ng mga manika mula sa “Despicable Me.”
Maliban sa bag, sinorpresa rin siya ni Marian ng isang Barbie doll. “It’s a Barbie Pizza-Maker doll, available only at S&R,” ani Marian.
Maging ang GMA executive na si Lizelle Maralag ay binigyan din siya ng Barbie Fashion doll. Mula sa UK naman ang regalong Lalaloopsy doll sa kanya ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.
Hindi rin mapigilan ng ibang tao na bigyan ng mga regalo si Jillian. Sa last taping day ng “Trudis Liit,” ang kanyang unang TV series noong isang taon, binigyan siya ng staff ng Taal Lake Hotel ng turtle night lamp bilang souvenir
Nang manood siya ng musical na “Kaos” kasama ang “Barbell” costar na si Solenn Heussaff, binigyan ng lion stuffed toy ng staff ng Resorts World Manila.
Isang fan naman mula sa Las Vegas ang nagpadala sa kanya ng porcelain doll, na nga-yon ay naka-display sa living room. Isa pang porcelain doll sa sala ay gawa ng Unique Collections sa United States.
Para paglagyan ng mga koleksyon ng anak, bumili si Jennifer ng Dream Mansion, “It’s a huge dollhouse from S&R, which we had to order from the US,” aniya. Kapag walang taping ay naglalaro si Jillian sa kanyang dollhouse na nakalagay sa kanyang kuwarto.
Nang magpunta sila sa Hong Kong Disneyland ay katakut-takot na Minnie Mouse stuffed toys, The Little Mermaid dolls at figures, at Snow White at The Little Mermaid snow globes ang kanilang binili.
“I have to vacuum constantly because the toys gather dust easily,” ayon sa mommy niya.
Isa ring “budding fashionista” si Jillian, ayon kay Jennifer. “After I got a pair from Bangkok, she started wearing sandals with heels.” Pero meron din siyang sneakers mula Skechers at siyempre, Kitty shoes.
Maraming showbiz mementoes sa kanilang sala. Ang centerpiece ay ang autographed picture ng original “Trudis Liit,” si Batangas Governor Vilma Santos. Sa framed photo, tinawag ni Gov. Vilma ang sarili na “Trudis Laki.”
Mayroon ding mga framed Jillian caricatures mula sa GMA 7 chat show na “Love ni Mister, Love ni Misis.”
May espesyal na lugar din sa sala ang dalawang trophies ni Jillian, isa ay mula sa Lingkod TV at ang isa mula sa Guillermo Mendoza Memorial Foundation. “We deposit part of her earnings in the bank,” ayon kay Jennifer.
“We’re saving up for a new home. Jillian also wants to buy a van, a Grandia. She wants a big vehicle so she can sleep between takes on the set.”
Sinusubukang bigyan ni Jennifer ng normal na childhood ang anak. “At home, she plays with older sister Jermaine Anne and takes care of her younger sister, Jenel Annika. The family makes sure that the kids are treated equally”.
Nang magkaroon ng iPad si Jillian, binilhan din ang ate niya. Paboritong laro ni Jillian ang The Sims 3 at Monkey Preschool Lunchbox. Binigyan siya ng GMA 7 program manager na si Redgyn Alba ng Leapster 2 learning game system.
Computer-savvy si Jillian at nagsu-surf ito sa Internet. “She learns about the latest Barbie and Baby Alive dolls online,” ani Jennifer sabay sabi na bilang prep pupil sa Quezon City Montessori school, masipag ang kanyang anak na mag-aral.
“A tutor works with Jillian for at least two hours when she’s free from tapings and shootings,” ayon sa ina.
Maliban sa “Aswang,” kasali si Jillian sa cast ng Joel Lamangan comedy na “Ded na Ded sa ’Yo.”
May artistic streaks din daw ang young actress. “She’s always doodling and coloring activity books,” ayon sa ina.
“Math is my favorite subject,” hi-rit naman ni Jillian, na nais maging doktor paglaki. “I will treat patients for free.”—Text at photos mula sa Inquirer