HOROSCOPE, January 05, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2014 para magka-roon ng kasuyo laging magsuot ng kulay na green. Sa pinansyal, green din ang hihigop ng positibong kapalarang may kaugnayan salapi. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Bukod sa green at buenas din ang blue.   
Aries – (Marso 21-April 19)   – Makuntento sa kasalukuyang buhay! Hindi dapat mainggit sa iba, may kanya-kanyang kapalaran ang bawat tao, ang mahalaga, maging masaya ka. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapin ang kasuyo, sa taong ito ng 2014 kusa siyang darating. Mapalad ang 3, 9, 27, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Namo-Om.” Purple at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)   – Sa pag-ibig, walang “ideal love”, makuntento sa kasalukuyang minamahal. Sa pinansyal sa tulong ng isang Virgo mas mabilis na lalago ang kabuhayan. Mapalad ang 4, 19, 28, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Yellow at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) –   Marami na namang hahanga sa iyo, dapat magamit mo sila sa mga bagay na pagkakakitaan. Sa pag-ibig, may mga nagnanasa sayong kagandahan, ngunit sa isang naka-white  ka sobrang ma in in love. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 42, at 39. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)    – Tanggapin ang alok na pag-ibig ng isang  Scorpio upang maging masaya ang pasok ng 2014. Sa pinansyal, hindi ba’t kung minsan  hindi lang pera ang nagpapaligaya, kailangan mo ring umibig at mag mahal?  Mapalad ang 5, 18, 24, 34, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sahatsha-Sarva-Dustha-Om.” Purple at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)    – Anoman ang iyong gagawin sa taong ito ng 2014 dapat ka ring mag laan ng oras sa iyong love life. Sa pag-ibig, kung hindi patitikimin ng masarap na romansa ang kasuyo, darating ang araw tuluyan na siyang mawawala – now na! Mapalad ang 2, 9, 18, 27, 26, at 48. Mahiwaga mong mantra: “It’s now or never.” Red at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)   – Maraming hihingi ng tulong, hindi mo sila dapat na pansinin, lalo na yong mga taong hindi naman marunong magbayad. Pero siyempre sa pag-ibig, dapat mong paglaanan  ng pera ang kasuyong Taurus. Mapalad ang 3, 6, 15, 33, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Bastan-Om.” Red at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) –  Hindi mo na kailangang hintayin ang Valentine. Ngayong2014 bumili ng kulay pulang bulaklak at ibigay sa kasuyo upang tuluyan na kayong magkasundo. Ang sariwang bulaklak ay  magdadala ng suwerte kung tuwing umaga ay ipapatong sa ibabaw ng mesa. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dyanam-Surya-Om.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)  – Wag makinig sa mga intriga. Sa pag-ibig, dahil sa isang maling balita may pagsubok na darating. Sa panahon ngayon marami talagang problema, kaya dapat kang magpakatatag at matutong umunawa. Mapalad ang 7, 16, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: Sagittarius – (November 22 – December 21) –   Sa taong ito ng 2014 kahit na nararamdaman mong unti-unti ng kinakapos sa pera, matutong ngumiti at magpasalamat kay Lord. Sa ganyang attitudes, pag dating ng Pebrero, muling gaganda ang pasok ng pera at sa relasyon muli kang liligaya. Mapalad ang 2, 11, 25, 29, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Green ang yellow ay buenas din.
Capricorn – (December 22 – January 19) –  Ilunsad ngayong 2014 ang mawalakang pagtitipid. Kumbinsehin ang bawat miyembro ng pamilya na magtipid din. Sa ganyang paraan mas madali kayong uunlad at yayaman. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Beejaa-Om-Avayara.” Aquarius – (January 20 – February 18) – Upang wag malungkot, wag mag-expect ng magagandang mga bagay, kumilos ka lang ng kumilos, kusang mamumunga ng positibo ang anomang bagay na iyong ginagawa. Sa pag-ibig, lakas ng loob ang kailangan upang lumigaya. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Om.” Green at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) –    Sa taong ito ng 2014 tulungan ang kasuyo sa aspetong pang-materyal upang mas madali kayong yumaman. Mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan, ngayong 2014  mas marami kang makikitang side line. Mapalad ang 1, 10, 19, 25, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dheemari-Gayatri-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Read more...