Sulat mula kay Shela ng Oton, Iloilo
Dear Sir Greenfield,
Nabuntis ako ng textmate ko. Nagkakilala kami sa text at di nagtagal ay pumayag akong makipag-eyeball sa kanya. Sa ikalawang eyeball ay niyaya niya ako sa pribadong lugar at sumama naman ako. Naganap ang di dapat maganap at hindi ko rin maipaliwanag kung bakit pumayag ako at sumama sa kanya. Ang sabi niya ay binata siya. Pero, nadiskubre ko na may asawa na pala siya. Bukod dito ay may mga anak pa. Nang ibalita ko sa kanya na buntis na ako ay naglaho na lamang siya na parang bula. Nang sabihin ko sa kanya na buntis na ako ay agad siyang nagpaalam at sinabing maghahanap siya ng pera para makabili ng gamit ng bata. Hindi na siya nagbalik. Susustentuhan kaya niya ang bata? Ano ang mangyayari sa buhay ko kapag naging dalagang ina ako?
Umaasa,
Binuntis ng txm8
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...