Rep. Abigail Binay, dapat imbestigahan ng BIR

NANGAKO ang Malakanyang na mamadaliin ang pagkilala at paglibing ng 1,400 na mga bangkay na iniwan ng mga awtoridad na nakatiwangwang sa mga daanan sa Tacloban City.

Nagrereklamo na ang mga residente sa Barangay San Isidro sa Tacloban dahil sa amoy na galing sa mga bangkay.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, bilang reaksiyon sa column na ito at ng sa INQUIRER, na hindi niya matiyak kung kailan maililibing ang mga bangkay.

Let me guess kung kailan ililibing ang mga bangkay: Kapag nagkaroon na ng epidemya.

Ganoon ang gobyerno, lalo na ang gobyerno ni Pangulong Noy. Kikilos lang sila kapag may di kanais-nais na nangyari.

Imagine, dalawang buwan na matapos salantahin ng Supertyphoon “Yolanda” ang Tacloban City at ibang panig ng Eastern Visayas, marami pa ring mga bangkay na hindi naililibing!

Ang 1,400 na mga bangkay na iniwang nakatiwangwang sa Tacloban City ay iilan lang sa mga bangkay na di pa naililibing.

Kapag dumalaw kayo sa Tacloban—ginawa ko ito ng apat na beses matapos ang Yolanda—mapapansin mo ang amoy ng bangkay na umaalingasaw sa lahat ng sulok ng siyudad.

Sanay na ang mga tao sa Tacloban sa baho ng bangkay.

Ang nakakatakot ay baka mag-break out ang epidemic dahil sa mga bangkay na hindi pa naililibing.

Makailang beses ko nang sinabi sa column na ito at maging yung nasa INQUIRER na baka magkaroon ng epidemic kapag di nailibing ang mga bangkay sa lalong mada-ling panahon.

Tanging ang Makati, ang pinaka-modernong siyudad sa bansa, ang nagsusuweldo pa ng mga empleyado sa city hall na nakalagay sa sobre.

Ang lahat ng bayan sa Metro Manila ay automated teller machine (ATM) na ang nagpapasuweldo sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan.

Mabagal ang pagtanggap ng suweldo sa pamamagitan ng envelope dahil mahaba ang linya. Maraming oras na nasasayang sa paglinya ng mga empleyado sa teller counter.

Bakit hanggang nga-yon ay nasa sobre pa rin ang suweldo ng mga
empleyado?

Dahil madaling mamanipula ang lumang sistema.

Maaaring iisa o dadalawang tao ang pipirma para sa mga “ghost employees” at ang pera ay mapupunta sa mga corrupt officials ng Makati.

Mahirap gawin yan sa ATM dahil hihingin ng bangko ang ID ng mga empleyado na magpaparehistro bago sila bigyan ng ATM cards.

Kaya pala yumaman ang pamilya Binay, na humawak ng Makati mula pa noong 1986, dahil sa makalumang pagbibigay ng suweldo.

Kaya naman pala kaya nilang magbigay ng P1,000 sa mga senior citizens na nakatira sa Makati tuwing kanilang kaarawan at Pasko, at may cake pa!

Bakit nga pala di imbestigahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Office of the Ombudsman si Makati Congresswoman Abigail Binay?

Si Abigail ay nakatira sa eksklusibong Dasmariñas Village sa Makati.

Ang mga residente ng Dasmariñas Village ay pawang mga multi-millionaires at diplomats.

Saan kinuha ni Abigail ang perang pinambili niya ng bahay sa Dasmariñas?

Ang pinakamababang presyo ng bahay sa Dasmariñas, na pawang mga mansion, ay nagkakahalaga ng P200 million.

Nalaman ng taumbayan na doon si Abigail nakatira sa Dasmariñas Village matapos makasagupa ng kanyang mga kapatid na sina Mayor Junjun at Senadora Nancy ang mga guwardiya ng village.

Pinakulong ng dalawa ang mga pobreng guwardiya ng apat na oras dahil ayaw silang padaanin sa isang gate na sarado na.

Kung hindi abusado ang magkapatid, dapat ay nag-turn around ang kanilang convoy upang gamitin ang mga gates na puwedeng daanan.

Read more...