Angelica nag-sorry sa mga kaaway, ayaw na ng kanegahan sa 2014

ANGELICA PANGANIBAN, JASON FRANCISCO AT MELAI CANTIVEROS

BUMILIB ang bagong kasal na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco sa pagpapakumbaba ni Angelica Panganiban. Hindi nila akalain na mismong si Angel pa ang makikipagbati sa kanila.

Ito’y matapos ngang magkatampuhan ang magkakaibigan noong magdesisyong pakasal si Melai kay Jason. Hindi raw kasi nagustuhan ng kampo ni Jason ang mga pinagsasabi nina Angelica at iba pa nilang kasamahan sa sitcom na Banana Split tungkol sa mapapangasawa ni Melai.

Dahil din dito kaya hindi na inimbita ng mag-asawa si Angelica, pati na rin sina John Prats at Pooh na nagsalita rin daw ng hindi maganda about Jason.

Pero ayon sa chikang nakarating sa amin, okay na raw ngayon sina Jason at Angelica dahil bago nga matapos ang 2013 ay nakipagbati na ang girlfriend ni John Lloyd Cruz sa mister ni Melai.

Sa isang ulat, kinumpirma ni Jason na nag-sorry na sa kanya si Angelica, humingi ito ng paumanhin kung na-offend siya sa mga nasabi niya noon, wala naman daw talaga itong masamang ipakahulugan dahil concern lang naman siya kay Melai.

Sey ni Jason, ang haba-haba nga raw ng palitan nila ng mga text ni Angelica at talagang na-touch siya sa mga nasabi ng aktres, “Nag-sorry na siya sa akin at saka sa pamilya ko kung naka-offend daw siya. Sabi ko naman, wala naman na talaga sa akin yun. I-explain ko na lang din sa family ko.

“Humaba lang ang issue kasi nasa showbiz nga, pero sobrang maliit lang talaga ‘yan,” pahayag ni Jason sa nasabing interview.

Sa panayam naman ng ABS-CBN, sinabi ni Jason na sobrang humahanga siya sa pagpapakumbaba ni Angelica, “Sobra nga akong nahihiya kasi, alam mo, mahirap sa isang tao na sikat na katulad ni Ate Angel na marunong siya mag-apologize at walang pride.

“Kaya sobra talaga ako sa saludo sa kanya at lalo pang tumaas ang tingin ko at respeto ko kay Ate Angel. Kasi, sino ba naman ako, hindi ba? Compared sa katayuan namin sa showbiz?” chika pa ng ama ng ipinagbubuntis ngayon ni Melai.

Samantala, nauna nang nagkaayos sina Melai at Angelica, noong Pasko ay nag-post pa ang huli sa kayang Instagram account ng palitan nila ng text messages ni Melai. Dito makikita na matapos silang magkapaliwanagan tungkol sa mga bagay-bagay na namagitan sa kanila, ay pareho silang umaasa na maibabalik na ang dati nilang friendship.

“Totoong Merry ang Pasko… Maligayang pasko sa inyong lahat. Tahimik na ang puso naming lahat 🙂 peace and love para sa lahat. Happy holidays!” mensahe pa ni Angelica sa pagbabati nila ni Melai.

Sa ngayon, hindi muna masyadong tumotodo sa pagtatrabaho si Melai dahil kailangan niyang mag-ingat dahil nga medyo delikado ang kanyang pagbubuntis. Napapanood pa rin ang mag-asawa sa Primetime Bida series na Honesto ng ABS-CBN.

Read more...