HOROSCOPE, January 04, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Kakaibang sopresa ng buhay ang magaganap! Sa pag-ibig, bagamat may lungkot parin ang puso, maiibsan naman ito pagpasok ng buwan ng Pebrero at Marso. Sa pinansyal, tipid-tipid muna upang makaraos. Mapalad ang 4, 8, 19, 34, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Aum-Bodhana.” Green at gold ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Ngayon mo na mararamdamang tila kinakapos ka ng pera, ganon talaga, nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon naging magastos ka kasi. Panahon na upang magtipid.  Sa pag-ibig, ipatago ang natitirang salapi sa kuripot na kasuyo. Mapalad ang 1, 18,  21, 23, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Om.” Pink at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Pahalagahan ang mga bagay na nasa saiyo. Sa career, mahalin ang trabaho, mahirap mawalan ng hanap buhay sa panahon ngayon. Sa pag-ibig, kakaibang romansa ang ipalasap sa kasuyo upang di ka nya iwanan. Mapalad ang 7, 11, 29, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Deva-Om.” Red at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pinansiyal, palalaguin ang salapi sa pamamagitan ng negosyong may kaugnayan sa modernong kumunikasyon. Sa pag-ibig at salapi piliin ang mga taong may birth date na 5, 14, 23, 8, 17, 26, 9, 18, at 27. Mapalad ang 5, 9, 18, 23, 26, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Purple at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Hindi puwedeng lagi ka na lang tahimik! Wala na ngang pera malulungkot ka pa? Ang pakikipagdaldalan sa mga kaibigan ay mabisang therapy. Sa pag-ibig, wag pagdamutan ang kasuyo, baka hindi ka na naman nya kibuin. Mapalad ang 6, 16, 19, 21, 26, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Maneh-Om.” Red at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Sa pinansiyal, panahon na upang umunlad ang kabuhayan, hindi ka dapat maging emosyonal. Sa pag-ibig, kung pagyaman at maraming salapi ang hanap piliin ang isang Aquarius. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Mitra-Om.” Green at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Gagantimplaan ang iyong mabuting kalooban. Sa taong ito madadagdagan ang kita habang naghihirap ang iba. Sa pag-ibig, lalong iinit ang pagmamahalan, habang yong ibang magkasuyo ay nagkakahiwalay na. Tunay ngang suwerte ka sa taong ito ng Kabayo. Mapalad ang 5, 14, 23, 28, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Name-Aum.” Blue at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Kahit na mabilis na naubos ang pera nitong Holiday Season tuloy parin ang Valentine, ito ang dapat paglaanan ng budget. Sa pag-ibig, hindi lang naman materyal na bagay ang nagpapaligaya, bagkus may kakaibang sundot din sa puso ang madalas na pagkikita. Mapalad ang 6, 13, 22, 31, 29 at 37. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Purana-Om.” Red at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—‘Wag maging over-conscious sa sariling pamilya. Hindi dapat intindihin ang sinasabi ng iba. Sa pribado at makasariling pamumuhay mas madali kang uunlad. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat mong paglaanan ng oras, ang kasuyong Aries. Mapalad ang 3, 18, 21, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trium-Savitra-Om” Yellow at gold ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa negosyo wag sumunod sa sulsol ng iba, sundin ang sariling kutob upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sundin sang iyong matalas na intuition upang ikaw ay lumigaya.  Mapalad ang 7, 19, 22, 31, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum- Agiel-Om-Zazel.” Magenta at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Ipatupad nang mabilis ang naiisip na negosyo upang yumaman. Sa pag-ibig hindi dapat mag dalawang isip. Kung talagang mahal mo siya, anoman ang hadlang, ang wagas na pag-ibig ang dapat manaig. Mapalad ang 8, 17, 23, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong manrta: “Om-Dosya-Om.” White  at silver ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Upang hindi na mabigo sa pag-ibig sumunod sa suwesyon ng mga kaibigan. Sa pinansyal, tama ang iniisip na pagtitipid, sa ganyang paraan ang pag-asenso ay madaling makakamit.” Mapalad ang 5, 10, 22, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Yellow at gold ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Upang hindi na uli maranasan ang grabeng hirap, sa pinansyal, unahing mag-subi bago gumasta.  Sa pag-ibig, tandaan mong malulungkot ang kasuyo, kapag tuluyan na kayong naubusan ng pera.  Mapalad ang 1, 18, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om.” Violet at yellow ang buenas.

Read more...