May benepisyo kahit hindi member ng PhilHealth

ITO ay sa ilalim na rin ng Circular 32, s-2013 na nagkabisa noong Nobyembre 29, 2013 kung saan pormal na pinasimulan ang “point-of-care enrolment program” para sa mga hindi pa miyembro na kabilang sa Class C-3 o D.

Ibig sabihin saklaw na ng proteksyong pinansiyal ng Philhealth ang sinumang mahirap na pasyente sakaling ma –confine sa mga pampublikong ospital.

Kasamang makikinabang ang mga kasalukuyang miyembro na walang sapat na kontribusyon at kabilang din sa tinatawag na economic classes.

Ang mga ito kasama ang kanilang dependents ay bibigyan ng PhilHealth bilang sponsored members kung saan ang kontribusyon na P2,400 ay buong-buong sasagutin ng pampublikong ospital. Ngunit kinakailangan mapatunayan ng medical social worker na kabilang sila sa mahihirap na
pamilya.

Sakaling maospital ang isang mahirap na miyembro ng pamilya, maliban sa PhilHealth benefits ay wala na silang babayaran pang balanse bunsod na rin sa ipinaiiral na “No Balance Billing policy”.
Ang mga ito ay magkakamit ng inpatient at outpatient benefits maliban sa primary care benefit mula sa unang araw ng confinement hanggang sa hu-ling araw ng taon.
Kasalukuyan ay merong 85 retained hospitals ng Department of Health sa buong bansa at inaasahang madadagdagan pa ang bilang dahil makikibahagi na rin ang iba pang ospital na pinatatakbo ng local government.

Bunsod ng programang ito ng PhilHealth, inaasahang mababawasan na ang bilang ng mga namamatay na hindi nakakapagpaospital.
Philhealth Pres. Alexander Padilla
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE.
Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...