Pacquiao, kabarilan na?

INIHIWALAY natin ang mensahe ni Texter …2343, ng Dadianggas East, General Santos City. Natatakot ang Texter na maging kasapi na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao ng KKK (Kamag-anak, Kaibigan at Kabarilan) ni Pangulong Aquino. Aniya, hindi dapat sumapi si Pacquiao sa KKK dahil tutuluyan din naman siya sa kanyang kaso sa buwis.

Aniya, hindi makatutulong sa political career ni Pacquiao ang pagsapi sa KKK dahil malakas na ang grupo ni Pacman sa Sarangani at General Santos City. Palubog na, aniya, si Aquino kaya ang KKK ay bangkang dapat iwanan na. Sumali si Pacquiao sa piling shootfest sa Malacanang range at kabilang dito si BIR chief Kim Henares, ang dumidiin sa kanya sa kasong buwis.

Oo nga naman. Maraming magagaling na shooter sa Mindanao at hindi sila nagpapa-media. Kabilang sa magaling na shooter (Level 2) ang 12-anyos na batang lalaki, na kadugo ng mga Mangudadato. Mas marami ang gun club sa Mindanao at malalawak ang mga outdoor firing range dito para isagawa ang nakapapagod na multiple at endurance stages. Malacanang range? La yan.

Napakahigpit na ngayon ng mga batas at regulasyon sa pagmamay-ari at pagdadala ng baril. Sa lahat ng presidente ng Pilipinas, ito na ang pinakamahigpit sa pagmamay-ari at pagdadala ng baril. Noong panahon ni Fidel Ramos, hindi naman ganito kahigpit. At dahil sa mahigpit na ang mga batas at regulasyon sa baril, mas marami na ang tinatamaan ng ligaw na bala at binabaril sa kalye.

Ang lincensed gunholder ay hindi magpapaputok ng baril sa Bagong Taon o anumang okasyon. Alam niya ang mangyayari sa kanya kapag lumabag siya sa napakahigpit na batas.

Bago pumasok ang 2014, may 1,400 bangkay pa sa Tacloban City ang hindi nakokolekta at inilalagak sa mass grave. Ayon kay Texter …1032, hindi raw trabaho ni rehab czar ang paglilibing sa mga bangkay. Nangangamba ang Texter na isisi ito kay Mayor Alfred Romualdez.

Sana’y huwag mangyari iyan. Dahil ang city government ang naglagak ng mga bangkay sa unang mass grave na hinukay malapit sa sementeryo.

Ikinalungkot ng dating mga kasapi ng Aviation Security Group ang sinapit ng mayor sa NAIA Terminal 3. Anila, noong panahon ni Napoleon Cuaton, ngayon ay mayor ng St. Bernard, Southern Leyte, may nakabantay na mga pulis sa labas ng mga terminal, kaya walang ambus na naganap. Si Cuaton ang hepe ng Avseg noon. Nagtataka sila kung bakit inalis ang Avseg presence sa labas ng Terminal.

May malaking dahilan si Angel Honrado kung bakit inalis ang police presence sa labas ng terminal.

MULA sa bayan (i-text sa 0917-8446769): Kailangan nang mag-ensayo ni Pacman after New Year upang magpalakas at magpahubog ng katawan para kundisyon na siya. …8940

Mga patay gutom ang ilang pulis-Caraga at Highway Patrol. Ang isang myembro nila ay kasapi pa ng iginagalang na sekta. Itiwalag na ninyo iyan. Rex ng Agusan Sur …2346

Ang mga kamag-anak ko at nasa Kananga, MacArthur at Mahaplag. Ang kailangan nila ay trabaho at pagkakakitaan o kabuhayan. Sana’y magpadala ang Malacanang ng mga dalubhasa ng Tesda na magtuturo sa amin ng pagkakakitaan. At kung matutupad ito, sana’y huwag nang lahukan na naman ng politika. Sawang-sawa na kami sa politika. …5499.

Read more...