Enrique Gil nabuking ang pagpatol sa malalanding babae

ENRIQUE GIL

MEDYO naloka kami sa ilang photos na lumabas kung saan may kasamang mga babae si Enrique Gil.

Inilabas ng isang entertainment website ang series of photos ni Enrique kasama si Bangs Garcia and two other nameless women na kuha yata nang mag-show sila sa Japan.

Enrique was flanked by two unidentified girls at parang nilalandi siya. In one photo nga ay tila game na game si Enrique at parang hinahalikan niya ang pisngi ng isang babae. Teka, hindi ba wholesome ang image ni Enrique? Bakit may mga lumabas na photo na ganito?

Anyway, hindi naman siguro makakaapekto sa popularity ng Kapamilya actor ang lumabas niyang photo. Mas maganda nga ‘yun dahil parang lumalabas na desirable ang binata at walang bahid ng pagkabakla.

Machong-macho naman kasi si Enrique at sexy pa kaya hindi naman siguro masisira ang kanyang image sa mga photos na naglabasan.

Read more...