Mabubuntis na

Sulat mula kay Moding, ng Barangay Poblacion 4, Cotabato City
Dear Sir Greenfield,
Pitong taon na kaming nagsasama ng mister ko, wala pa rin kaming anak.  Nanlulupaypay na ako’t nawawalan ng pag-asa.  Nagtataka na ako kung bakit hindi ako nabubuntis. Pati ang doktor na tumingin sa akin ay hindi niya maipaliwanag kung bakit hindi pa ako nabubuntis gayong wala naman daw siyang nakitang diperesiya sa akin.  Mabubuntis pa ba ako?  Kailan?  Ang birthday ko po ay Peb. 15, 1978.  Ang asawa ko ay Enero 12, 1976.
Umaasa,
Moding, ng Barangay Poblacion 4, Cotabato City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Meron kang dalawang linya ng bata (Illustration 1. arrow 1. at 2.) na malinaw na nakikita sa iyong palad, tiyak ang magaganap sa takdang panahong inilaan ng kapalaran – magkaka-anak na rin kayo sa wakas ng mister mo. Ang mahalaga, magtalik nang magtalik, at umasang darating ang panahong makakabuo din kayo upang makumpleto na ang ligaya ng inyong pamilya.
Cartomancy:
Three of Clubs, Jack of Hearts at Four of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ito hanggang 2015, isang malusog at cute na lalaking sanggol ang isisilang.
Itutuloy….

 

READ NEXT
Read more...