Sigaw ng mga Kapamilya: mas bagay na Dyesebel si Julia kesa kay Kim


Kalat na si Kim Chiu ang gaganap na Dyesebel sa 2014 pero marami ang nagsabing hindi raw bagay sa aktres ang role dahil payat siya.

Ayon sa isang nag-comment, “Ang payat-payat po ni Kim, hindi siya bagay na Dyesebel, mukha siyang tinik.  Kung siya talaga, sana magpataba siya ng konti para naman bumagay, baka mahiwalay ang costume niya, ha, ha, ha!”

At maraming fans ni Julia Montes ang nage-expect palang siya ang gaganap at narito naman ang panig nila, “Mas bagay po kay Julia ang Dyesebel, mas seksi at mas malaman siya.

Maganda mukha niya, tisay, bagay sa kanya ang role.  Kung ibabase sa ibang gumanap na Dyesebel hindi po nahuhuli si Julia, si Kim, malayo itsura.”

May mga katoto ring nagsabing, “Hindi bagay si Kim, ateng.  Mas bagay si Julia, in fairness.” Kung ibabase nga sa mga gumanap ng Dyesebel ay hindi nalalayo si Julia kina Charlene Gonzales-Muhlach, Alice Dixson at Batangas Gov. Vilma Santos-Recto.

Pag nag-kataong nga ay si Kim lang ang tsinitang Dyesebel, di ba bossing Ervin? (Ha-hahaha! Oo nga. Pero para akin, let’s give Kim a chance. Parang mas okay kung ibang aura naman ang gumanap na Dyesebel. – Ed)

Pero kung ibabase naman sa  kasikatan at dami ng ineendorsong produkto ay lamang na lamang talaga si Kim kaysa kay Julia.
At dahil si Kim ang bida, tiyak na si Xian Lim ang leading man kasi sila ang magka-loveteam kaya napakasuwerte ng aktor dahil parati siyang bitbit ng aktres.

Kapag itinambal  kaya sa ibang aktres si Xian, kakagatin pa rin kaya ng publiko

( Photo credit to Google )

Read more...