Nawala ang lahat ng mga kanegahan sa buhay ni KC Concepcion sa sunud-sunod na swerteng dumarating sa buhay niya. Sabi nga ng dalaga, mas naiintindihan na niya ngayon kung bakit pinagdaanan niya ang mga pagsubok sa kanyang lovelife.
Sey ni KC, ngayon ay mas naiintindihan na niya kung bakit hindi siya sinuwerte sa huling relasyon niya, “Parang sulit lahat ng pinagdaanan ko in the last two to three years.
Sabi ko, ‘Lord, kung ito naman ang kapalit, naintindihan ko na kung bakit ko kailangan pagdaanan ang lahat ng ‘yon.
“And sana, tuluy-tuloy ko siyang nakikita na namumunga or parang makita ang dahilan kung bakit napagdaanan ko lahat ng heartaches. Sulit naman ang rewards,” ayon pa kay KC.
Kasabay nito, ayaw na rin daw umasa ni KC na mas mahihigitan pa ng 2013 ang 2014 pagdating sa kanyang swerte, “Ayaw ko mag-expect. Ang year na ito, hindi ko talaga plinano.
Dumating sa point na ayaw ko nang magplano, si God na lang bahala.” Pero kung may isa pang wish si KC ngayong Bagong Taon, “Sana tuloy-tuloy pa rin ang pagtanggap sa akin.”
( Photo credit to Google )