Sam Hollywood star na

SOBRANG tuwa ng mga kababayan nating Filipino na nasa Canada sa panonood ng The Teleserye Princess tour nina Pokwang, Enchong Dee, Rayver Cruz, Gerald Anderson at Sam Milby na ginanap sa John Basset Theater (Toronto) at Jubilee Auditorium (Edmonton). Ang next show ay magaganap sa Monument Hall, Montreal sa Nov. 5.

Dahil sa dami ng mga Pinoy na nanood sa mga nasabing show ay ganadung-ganadong mag-perform ang mga Kapamilya talents.

Samantala, kasalukuyang nasa New York ngayon si Sam para personal na makipagkita sa tatlong TV producers na interesado sa kanya kasama ang Star Magic bosses na sina Johnny Manahan at Mariole Alberto.

Nauna nang nakipag-meeting sina Sam at manager nitong si Erickson Raymundo sa tatlong international agencies (International Creative Management, Innovative Artists at Gersh Agency) na magre-represent sa kanya para sa TV producers sa New York.

Binigyan si Sam ng isang buwan para mag-isip kung saang talent agency siya pipirma at sa pagbalik nga niya sa US ay pinuntahan na niya ang agency na napili niya na may hawak sa mga sikat na Hollywood stars tulad nina Tobey Maguire, Kirsten Dunst at iba pa.

Bukod dito ay nakipag-meeting na rin si Sam kasama  sa tatlong TV producers para sa agarang schedule ng aktor.

Babalik naman ng Canada si Sam bukas dala ang kontrata ng nasabing agency para pag-aralan nila ng manager niya.

Gusto namang linawin ni Erickson ang nasulat na si Sam ang cause of delay ng taping ng seryeng Alta kasama sina Gretchen Barretto, KC Concepcion, Angelica Panganiban at Luis Manzano.

“As early as April, 2011, naka-block off na ang schedule ng taping ng Alta, marami kaming shows na hindi tinanggap dahil sabi anytime mag-start na ang taping. Hindi si Sam ang cause of delay,” paliwanag ng manager.

“Walang nasagasaang schedule si Sam sa ABS, in fact naghihintay lang naman kami. E, ngayong may liwanag na ang pangarap niyang international career sa US, alangan namang pakawalan pa niya? Ito ang gusto niya, eh.

“Kung magtutuluy-tuloy na, by February, 2012 ang lipad ni Sam for New York kasi kailangan niyang mag-workshop doon for the TV series.  Kaya dapat by November o December, mag-taping na sila ng Alta,” katwiran pa nito.

At dahil Pebrero ang target shooting ng pelikulang pagsasamahan nina Bea at Sam mula sa direksyon ni Olive Lamasan ay baka maurong na muna ito, “Nalungkot nga si Sam, eh.

Siya naman ang pinamili ko, movie with Inang (direk Olive) o itong international career niya. Ayokong mag-desisyon kasi baka ako ang masisi after,” sabi pa sa amin ng manager ni Sam.

Read more...