Wish ni KC sa 2014: Sana magka-boyfriend na ako ng…!

Speaking of KC Concepcion, marami ang nanghihinayang at hindi siya ang itinanghal na best actress sa nakaraang MMFF awards night, pero kung kilala namin ang anak ni Mega, tiyak na tanggap niya agad ang kanyang pagkatalo kay Maricel Soriano na siyang nagwaging pinakamagaling na aktres sa pestibal for the movie “Girl Boy Bakla Tomboy”.

For next year, sinabi ni KC na umaasa siya na mas marami siyang magawang quality films at gusto rin daw niyang mag-aral uli kahit short courses sa US.

Nais din niyang bisitahin sa 2014 ang mga kaibigan niya sa ibang bansa dahil miss na miss na daw niya ang mga ito. At ang isa pang pasabog ng TV host-actress, sana raw ngayong 2014 ay matagpuan na niya ang lalaking makakasama niya nang panghabambuhay, “Gusto ko kasing kiligin kaya sana, sana po next year meron na talaga akong magiging boyfriend.”

( Photo credit to Google )

Read more...