May block screening si James Yap para mapanood ang movie ng anak niyang si Bimby. Na-appreciate naman ito ni Kris Aquino who said in an interview, “Buti naman na supportive na siya of Bimby.
He’ll be proud of how well his son performed. Siguro naman pag nakita niya, siguro naman matutuwa siya lalo na makikita mo ‘yung anak mo na performing well at bumait.
“Kasi kahit sinong magulang naman, lalo na pag nakikita mo yung anak mo na performing well, bumait, hindi nagpapa-brat, mabait sa lahat, so parang matutuwa ka.
“So thank you, James. God bless. Peace,” sey pa ni Kris. Mukhang sincere naman si Kris sa kanyang statement kaya lang loaded ang kanyang sinabi.
When she said na “buti naman supportive na siya of Bimby”, para na rin niyang sinabing hindi supportive si James sa anak noon.
Teka, kailan ba huling nakapiling ni James si Bimby? Bago kaya matapos ang taon ay nakapiling ni James ang kanyang anak? Just asking!
Naisip siguro ni James at ng Yapsters na magpa-block screening para ipakita ang suporta nila kay Bimby sa first movie nito.
Actually, hindi na naman talaga dapat magpa-block screening ang basketball star kaya lang he’s mighty proud of his son’s latest achievement and he wants to share it with the people who support him every step of the way.
( Photo credit to Google )