May sakit daw kasi ito kaya as early as 6:30 a.m. last Saturday ay tumawag daw ito sa PMPC President na si Melba Llanera para magpaabisong hindi siya makakarating dahil hindi raw ito makabangon sa sakit na naramdaman.
Ano pa nga naman ang magagawa ni Melba kundi ang tanggapin ang katotohanang wala nga si Derek sa magiging show nila that night.
Sinubukan ni Melba na maghanap ng replacement until lunch time – ayaw niyang ipaalam muna sa mga kasamahan niya sa PMPC dahil baka magawan nga naman niya ng paraan – makahanap ng maayos na replacement para hindi sila mapahiya sa mga manonood sa show.
To no avail ang maraming artists na dapat gawing replacement for Derek that night, gusto sana ni Papa Aljur Abrenica na saluhin si Derek kaya lang, aabutin sila ng 3 a.m. pa sa taping ng Amaya sa Pagsanjan kaya malabo talaga siyang makahabol.
Si Sam Milby naman ay nasa abroad. Yung ibang malalaking male stars ay hindi rin available dahil may mga shooting at taping. Hanggang sa makakuha sila ng replacement sa katauhan ni Erik Santos bandang gabi na.
Mabuti na lang kamo at si Ai Ai delas Alas ang star ng show kaya napuno pa rin ang venue kahit walang Derek na dumating. Galing ni Ai Ai – grabe. Nandoon din ang dalawa sa Sakto boys na sina Rodjun Cruz and ang guwapong si Lucky Mercado na nagpasaya ng gabi ng fundraising drive ng PMPC.
Obviously ay na-offend nga ang members ng PMPC. Kasi nga naman daw, nu’ng nakaramdam si Derek ng pananakit ng katawan early that morning, he has enough time naman daw to take a rest and kahit hindi na mag-perform, magpakita lang sa audience ay maiibsan na raw sana ang problema. Kaso, hindi raw eh.
Marami raw ang nagpa-refund ng tickets, totoong may nag-walkout dahil hinahanap nila si Derek. Kasi nga, dahil sa sobrang paging box-office hit ng “No Other Woman”, naging man of the hour si Derek at marami agad ang nagpantasya sa kanya.
In fairness naman sa manager ni Derek na si kafatid na Joji Dingcong, he texted Melba an apology at nangakong magma-mount ng show para sa PMPC for free with his talents Derek Ramsay, Matteo Guidicelli, James Reid and Bianca Manalo.
Kaso, iba ang pagtanggap ng maraming PMPC members dito.
“Ngayon pang napahiya na kami. This is the second time na ginawa ni Derek iyan sa amin and we cannot afford to get hurt the third time. Kaya okay na kami, hindi namin kailangan ang show nilang inaalok.
Pagmimitingan lang naming 53 members ng PMPC kung paano namin iha-handle ang isyung ito.
“Yung pinakaayaw lang namin ay yung baka isipin ng mga tao na nanggagamit lang kami ng pangalan ng artists para makabenta ng tickets. Totoo namang tumango si Derek kaya inilagay namin siya sa tickets and posters.
Sino ang napahiya, di ba, kami? Hayaan ninyo, pag marami na kaming funds sa PMPC, we will pay artists right para siputin kami. Mahirap talaga pag nakikiusap ka lang, wala kang kalaban-laban,” anang nakausap namin.
Nag-tweet daw si Derek nung isang araw at heto ang nilalaman ng kanyang mensahe: “Again, I would like to apologize to Ms. Ai Ai and to the PMPC for not being able to attend the concert the other night.
I feel very bad that my friends from the press feel like I abandoned them. I understand at alam ko may karapatan kayo magalit but I was really sick. Di naman po last minute ako nagsabi. I informed my dear friend Melba at 6:30 A.M. that I wasn’t well.
“Yes, it’s kinda late pero the first thing that entered my mind when I woke up was the responsibility to my friend Melba, the PMPC and Ms. Ai Ai. Lagi ko po sinusuportahan ang PMPC at sobrang bait rin po sa akin ng PMPC. Kaya siguro affected ako sa mga binasa ko.
“Again, I send my apologies to the PMPC, Ms. Ai Ai at sa lahat ng bumili ng ticket. I really wanted to be there. Take care and happy halloween.”
Any reaction from PMPC?