Plastik na resignation ni Petilla

USAP-USAPAN ngayon ng mga miyembro ng media na nakatalaga sa Malacañang ang sapawan ng mga tagapagsalita ni Pangulong Aquino.

Hindi pa nga natatapos ang taon ay halata mo kasi na may kompetisyon na nagaganap sa pagitan ng mga tagapagsalita.
Kamakailan kasi ay nagpalabas ng pinakahuling resulta ng survey ang Social Weather Stations (SWS) kung saan nakakuha si Aquino ng 69 porsiyentong trust rating.

Kanya-kanya naman ang pagbibigay ng reaksyon ng mga tagagsalita ni PNoy partikular sina Secretary Herminio “Sonny” Coloma at Secretary Edwin Lacierda. Bagamat si Coloma ang nakatalaga para magbigay ng briefing noon, nagbigay din ng pahayag si Lacierda hinggil sa SWS survey.

Ang siste, kinabukasan, nagtweet sina Lacierda at si Undersecretary Abigail Valte sa isang media entity para iwasto nito ang kanilang balita tungkol sa isang statement na ipinalabas ng Palasyo na ang kinu-quote ay si Coloma, samantalang kay Lacierda galing ang nasabing pahayag.

Komento tuloy ng mga miyembro ng media na nakaalam ng palitan ng tweet sa pagitan ng media entity at nina Lacierda at Valte, bakit kailangan pang mag-credit grabbing gayong dapat isa lamang ang kanilang sinasabi o posisyon sa bawat isyung merong kinakaharap ang Palasyo. Hindi ba’t isa lang naman ang nirerepresent nilang oposina bakit kailangan pa silang magtalu-talo sa kung anong sasabihin ninuman sa kanila.

Wow, sweating the small stuff, ha?

Ang pagbaba ng survey ni PNoy noon ang dahilan kayat isinama na si Coloma sa pagbibigay ng briefing, ang pagtaas din ng survey ng Pangulo ang magiging dahilan pa rin para mahalatang may kompetisyon sa mga miyembro ng Communications Group ni Aquino.

Noong Pasko, inihayag ng Palasyo na nakatakdang isumite ni Energy Secretary Carlos Jericho Petilla ang kanyang resignation letter kay Pangulong Aquino dahil sa kabiguan niyang maibalik ang suplay ng kuryente sa lahat ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda bago mag-Pasko.

Ang kaso, hindi naman tinanggap ng Palasyo ang kuno’y resignation ni Petilla.

Sa una, para kang mapapahanga sa ginawang pagbibitiw ni Petilla – dahil nga nagpakita ito ng kanyang delicadeza.
Pero marami ang napanganga at napataas din ng kilay. Paniwala nila, scripted lang dahil hindi naman talaga tatanggapin ng Palasyo ang resignation ng kalihim.

Kung totoo itong si Petilla na kaya niyang panindigan ang kanyang sinabi na magbibitiw siya, di sin sana ay irrevocable resignation ang ginawa niya, at talagang hindi na siya nagpapilit kay PNoy. Kaya mukhang plastik ang ginawa niyang pagbibitiw.

Anyway, hindi naman ito ang pinagngingitngit ngayon ng mga ordinaryong mamamayan. Bukod sa hindi pagbabalik ng kuryente sa buong Kabisayaan, dapat alam ni Petilla na may iba pa siyang mandato gaya na lamang ng sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo at maging ang power rate hike.

Naghihintay ang taumbayan sa resulta ng imbestigasyon hinggil sa umano’y pagkukuntsabahan ng mga power suppliers para magtaaas ng kuryente kung saan isa ang DOE sa nag-iimbestiga.

Oo nga’t nagpalabas na ang Korte Suprema ng TRO laban sa P4.15 per kilowatt hour na pagtataas ng kuryente, walang kasigurahan pa kung magtutuluy-tuloy ito.

Dapat ay malaman ni Petilla na hindi lamang natatapos ang kanyang trabaho sa pagbabalik ng kuryente sa Kabisayaan, kundi sa mas malaking responsibilidad na nakaatang sa kanya na tiyakin na napoprotektahan ang kapakanan ng mga mamamayan.

Sa pagpasok po ng 2014, hangad po namin mga ka-Tropang Bandera na maging mapayapa at mas masagana ang bagong taon na papasok. Happy New Year po sa ating lahat at tuluy-tuloy an gating tropahan!

Read more...